December 14, 2025

Home BALITA

'Bakit parang adik ‘tong mga nandidito?' Yorme, ikinumpara mga raliyistang nasa Recto at Luneta

'Bakit parang adik ‘tong mga nandidito?' Yorme, ikinumpara mga raliyistang nasa Recto at Luneta
Photo courtesy: Contributed photo

Ikinumpara ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga raliyistang nanggulo sa Recto at Mendiola, at mga demonstrador na nasa Luneta.

Sa panayam ng media kay Domagoso noong Linggo ng gabi, Setyembre 21, 2025, iginiit ng alkalde na tila mga adik umano ang nanggulo sa nasabing parte ng Maynila. 

“I don’t think mga raliyista iyon. They were in their respective places in the morning and in the afternoon… With due respect sa mga raliyista, okay naman sila sa Luneta, okay naman sila sa Liwasan, okay naman sila sa EDSA, bakit parang adik ‘tong mga nandidito?” anang alkalde.

Kumbinsido rin si Domagoso na dapat aniyang pagbayaran ng mga grupo ng raliyista ang mga  danyos at pananakit umano sa hanay ng pulisya.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

“Nagdesisyon sila ng ganyan, then we will throw the books at them, for all those damages, government properties, lahat ng na-apprehend will be charged, and I will make sure, I will make sure that they will pay the price,” saad ni Domagoso.

Samantala, nagpasalamat din ang alkalde sa kapulisan para sa ginawa nilang pag-aksyon sa kasagsagan ng pagsiklab ng gulo sa Kamaynilaan.

“Ipinagpapasalamat ko sa Philippine National Police, as you can see, nakita ninyo na ang kapulisan practiced high tolerance, literally, as much as they can. I praise the Philippine National Police for doing so and respecting the likes of those rallyists who expressed themselves,” ani Isko. 

Samantala, matatandaang nauna nang kinumpirma ng Manila Public Information Office mula rin sa kumpirmasyon ng alkalde na isang dating politiko at isa umanong abogado ang nasa likod ng nasabing panggugulo.

“Kinumpirma ni Mayor Isko Moreno Domagoso na base sa initial reports, isang dating pulitiko na may Filipino-Chinese funder at isang abogado ang itinuturong nasa likod ng bayolenteng grupo na nanakit sa kapulisan at nanira ng mga ari-arian sa kasagsagan ng anti-corruption rally noong Setyembre 21,” anang Manila PIO.

KAUGNAY NA BALITA: Dating politiko, isang abogado, nasa likod umano ng riot sa Mendiola—Mayor Isko