Nagsalita na rin ang aktres na si Diamond Star Maricel Soriano ukol sa lumalaganap na umano’y korapsyon at katiwalian ng mga ospiyal ng pamahalaan.
Ibinahagi ni Maricel sa kaniyang X account noong Linggo, Setyembre 21, ang kaniyang patutsada hinggil sa pagbabayad ng buwis ng taumbayan at mga taong may kinalaman sa umano’y korapsyon nito.
“ANG TANONG KO ANG SAGUTIN MO! ARE YOU F***ING WITH MY TAXES? #BahaSaLuneta #TrillionPesoMarch,” aniya sa isang repost mula sa orihinal na uploader na si “Tita Jho” na may caption na “Huwag ninyong ginagalit si Terry!”
Ang linyang inilahad ni Diamond Star ay hango sa isa sa kaniyang pinakasikat na pelikulang “Minsan Lang Kita Iibigin,” kung saan siya ay gumanap bilang si Terry.
Kasama niya rito ang aktres na si Zsa Zsa Padilla na gumanap naman bilang si Monique.
Umani ng samu’t saring reaksyon ang nasabing post ni Maricel sa X.
“Inay Maria pakisampal sina Ate V at Ralph Recto pls! K**g ina nila!”
“POV: galit ka sa mga corrupt pero fan ka ni Maricel Soriano HAHAHAHAHAH LAB U NAY!”
“Not only m-m-minsan, but MADALAS!”
“You will always be relevant!!”
“Slay ka diyan madame!”“YASSSSS, GET EM INAAAY !!”
Ibinahagi rin ng aktres sa isa pang hiwalay na post ang isang pasaring sa mga kurap, nangurakot, at mga pamilya nito, kung saan naka-tag si Unkabogable Star Vice Ganda.
Vincent Gutierrez/BALITA