Kinaaliwan ng mga netizen ang naging hirit na banat ng "Idol Philippines Kids" judge at tinaguriang "Queen of Teleserye Theme Songs" na si Kapamilya singer Angeline Quinto hinggil sa maraming "luxury cars."
Bagama't walang tinukoy na pangalan, naugnay ito ng mga netizen sa kontrobersiya sa korapsyon at maanomalyang flood control projects na nagsasangkot sa construction company contractors at opisyal ng pamahalaan.
Hirit ni Angge, ang dami raw luxury cars ng iba habang siya, walo lang ang underwear niya't dalawa pa rito ay butas pa.
"Ang dami niyong Luxury Cars, Ako nga walo lang panty ko, butas pa yung dalawa," saad niya.
Gumamit siya ng hashtags na "#ManagotAngDapatManagot" at "#EndCorruptionNow."
Sa comment section, tila marami namang netizens ang naka-relate sa hirit ni Angge.
"Importanti my natira pa ahhahhaha"
"Kami nga puro bacon na hahahaha."
"Same tayo Angge hahaha."
"At least may panty 'di ba?"
"Sana all walo panty!"
Pero on a serious note din naman, nagpahayag din ng pakikiisa si Angeline sa malawakang panawagang tigilan na ang korapsyon sa bansa at papanagutin ang mga sangkot dito.
"Nakikiisa ako sa mga Kababayan nating nasa kalsada ngayon para ipakita ang galit sa korupsyon. Isa ako sa gustong maniwala na Nobody Will Be Spared. Nobody Will Be Protected at Makukulong ang mga Magnanakaw," aniya.
"Umpisa pa lang ito, sana magkakasama at magkita-kita pa rin tayo sa dulo. Walang Bibitiw," aniya pa.
Isa rin ang Kapamilya singer sa mga nakiisa at dumalo sa "Trillion Peso March" sa EDSA Shrine at People Power Monument sa Quezon City.