Usap-usapan ang isinagawang relief operations ng aktor at Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde sa ilang mga barangay na kaniyang nasasakupan, na naapektuhan daw ng mga kamakailang pagbaha.
Hindi alintana ang mga isyung ipinupukol sa kaniya, nananatiling nakatutok si Atayde sa pagbibigay ng tulong sa kaniyang mga kababayan, sa Barangay Sitio San Isidro, Bagong Pag-Asa/Brgy. Project 6, Barangay Sto. Cristo, Barangay Talayan, at Barangay Paltok.
"Sa kabila ng nagdaang matinding pagbaha, tiniyak ni Cong. Arjo Atayde na makarating ang tulong sa bawat pamilyang nangangailangan—lalo na sa mga hindi nakalikas at nanatili sa kanilang mga tahanan," mababasa sa post sa "Congressman Arjo Atayde" official Facebook page.
Sa kabila rin ito ng mga akusasyong nag-uugnay sa kaniya sa maanomalyang flood control projects kung saan kasama ang pangalan niya sa nabanggit ng contractor na si Curlee Discaya, sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 8, kaugnay ng nabanggit na isyu.
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya
Agad naman itong pinabulaanan ni Atayde at sinabing hindi siya sangkot sa alinmang anomalya.
Mababasa sa kaniyang Instagram story, "I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.”
Dagdag pa niya, “I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”
KAUGNAY NA BALITA: Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya
Maging ang kaniyang misis na si "Eat Bulaga" host Maine Mendoza ay umalma rin sa isyu at dinepensahan ang kaniyang mister.
KAUGNAY NA BALITA: Arjo, walang tinatago depensa ni Maine: 'We are confident that we stand on the side of truth!'
KAUGNAY NA BALITA: Maine Mendoza sa akusasyon sa mister: 'I am with my husband in this!'
REAKSIYON NG MGA NETIZEN
Umani naman ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang naging relief operations ni Atayde sa mga barangay sa QC.
May mga bumatikos kay Atayde at sinabing tila hindi raw umano ito sapat, kung sakaling totoo nga ang mga umano'y paratang laban sa kaniya.
"Giving back 1% of the kickback and keeping the 99% to his pocket... i feel sorry to my self and family, kinumbinsi ko pa.sila na iboto si cong AA..."
"Tamang pabango lang muna ng pangalan ang ferson"
"Ay ang kapal ng mukha nito, matapos ibulsa ang milyon-milyon, ibabalik sa tao ang barya-barya."
"Hirap sa inyo mabigyan lang ng relief good eh mabait na kahit na may allegations of corruption at may mga di sya nagtutugmang denial vs. proof ng involvement with Discayas. 'Mabait' daw. Hindi n'yo ba naisip na yang relief operations ay galing sa tax natin and hindi naman sariling pera nila. Kung inayos ang flood control, hindi sana ganun kalala ang baha. Iyak kayo nang iyak na mahirap kayo pero boto pa rin sa mga politikong kurakot."
"Gising na mga taga District 1 QC! Matatalino kayo alam ko yan kaya next election vote wisely."
Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din para kay Atayde dahil hindi pa naman daw napapatunayan sa korte kung talaga bang totoo ang mga akusasyon laban sa kaniya. Mas mainam na raw ang ganitong nagpapakita sa taumbayan at humaharap kaysa sa nagtatago na dahil sa pagiging guilty.
"Dami nagagalit kay Congressman Arjo Atayde. Bakit sya lang ba? Marami na ngayon ang lumalabas ang pangalan. 'Ang hinog na bunga ay sya ang pinupukol.' Hayaan natin gawin nya ang tama at hindi tayo ang magtutulak na gumawa sya ng masama. Sa lahi naming Defensor ay galit kami sa kurakot pero hanggat hindi pa napapatunayan sa korte ay mananatiling inosente sya."
"Sana po Cong. Malagpasan mo ang mabigat na paratang sa iyo. Prayers para sa Katotohanan. Ingat po."
"Ang Congressman ng Distrito uno na nagsisilbing may puso at tapat. Piilitin ka mang wasakin ng ibang mga katungali mo ay mananatili ka parin na tunay na public servant sa Distrito uno."
"Batid ko na hindi pa kayo Congressman namamahagi na kayo ng bigas kahit ilang pamilya sa buong bahay at dahil doon naranasan namin ang kumain na galing sa inyong bulsa, kahit hindi pa kayo Congressman kayo ng Nanay mo Sylvia Atayde ay buong puso kayo namigay ng grasya at nag donated pa kayo ng sasakyan na pang government services noon, tapos naparatangan pa kayo."
"Kahit anong sabihin nyo hindi nyo matutumbasan ang kabutihan ng kanyang puso dahil kahit anong sakuna nakikita natin na nandyan siya para sa Atin ...."
"Inosente pa rin siya dahil hindi pa napapatunayan kung guilty siya."
Samantala, wala pa ulit reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Atayde hinggil sa mga akusasyon laban sa kaniya.