Binasag ng tinaguriang "real-life Darna" na si Angel Locsin ang kaniyang katahimikan sa social media matapos magbigay ng mensahe kaugnay sa mga nagaganap na malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon.
Sa kaniyang Instagram story, mababasa ang kaniyang tindig kaugnay sa mga nangyayaring anomalya at korapsyon lalo na sa flood control projects.
Mukhang updated si Angel sa Senate at Congress hearings batay sa kaniyang Instagram story.
"Today, I'm breaking my social media silence. To all Filipinos fighting corruption—may God give you more strength to keep going," aniya.
"Watching the hearings, I couldn't help but remember the messages and news of people begging for help. Families with homes washed away, parents who lost their work, lives lost to floods/typhoons. Naiiyak ako sa galit. kasi pwede pa lang hindi sila naghirap. Pwede pa lang walang nasaktan. Pwede pa lang walang namatay."
"Ang bigat. Nakakapanghina yung ganitong kasamaan. Pero ms nakakapanghina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No politics. Para sa tao," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Angel Locsin/IG
Matatandaang matapos ang resulta ng presidential elections noong 2022 ay nag-showbiz at social media hiatus si Angel.
Saka lang siya nagparamdam noong Enero nang ma-hack ang kaniyang X account, at ma-retrieve ulit.
KAUGNAY NA BALITA: Ginalaw na ang baso: Angel Locsin, nagbalik na sa socmed!