Sa gitna ng malawak na hanay ng raliyista, isang babaeng centenarian ang hindi nagpadala sa tirik ng araw at bugso ng ulan. Isang matandang babaeng handa ring magpahayag ng kaniyang paniningil laban sa korapsyon.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Nanay Cecilia, 111 taong gulang na mula sa Quezon City, ibinahagi niya na bagama’t mag-isa na lang daw siya sa buhay, ay buo pa rin ang kaniyang pagsuporta sa paniningil sa isyu ng korapsyon sa gobyerno.
“I’m alone. I’ve been standing there under the heat of the sun. Just to prove how hopeless we are here now!” saad ni Nanay Cecilia.
Matagal na rin daw siyang volunteer worker ng programa ng GMA Network na Kapwa ko Mahal Ko.
Aniya, “I’m 111 years old, I am a volunteer worker of Kapwa Ko Mahal Ko since the time of Rosa Rosal.”
Dagdag pa ni Nanay Cecilia, tila wala na raw kasing pag-asa ang mga Pilipino kaya siya nakikiisa sa malawakang protesta.
“Trillion na ang ninanakaw, talagang hopeless case na ang Pilipino. We have to fight for our rights!” saad niya.
Nang tanungin kung ang mensahe niya sa gobyerno, “I hope the Lord will punish the guilty. Stop corrupting the people. Stop stealing, if you only give back what you have stolen, there will be no more poor people.”
Sa isyu ng korapsyon at anomalya sa gobyerno, tunay ngang walang pinipiling edad ang taumbayang matagal nang pinagnanakawan at gusto nang maningil ng pananagutan.
PANOORIN: