Tinuligsa ng Student Council Alliance of the Philippines (SCAP) ang malisyosong atake ng Anakbayan kay Akbayan Rep. Perci Cendaña.
Sa latest Facebook post ng SCAP nitong Sabado, Setyembre 20, sinabi nila na ang atake umano ng Anakbayan laban kay Cendaña ay “dangerously divisive.”
Anila, “The attack is dangerously divisive and merely echoes the propaganda lines of the Dutertes. What is most striking is Anakbayan’s failure to read the memo of their own political bloc.”
“No less than one of their leaders, Rep. Antonio Tinio, was explicit: their Luneta rally is not a ‘Marcos resign’ rally,” dugtong pa ng SCAP.
Kaya naman hinamon ng SCAP ang Anakbayan na gumamit ng mas mabuting political judgement at ilapat ang posisyon sa maayos na pagsusuri.
Matatandaang nagbabala si Cendaña na ang panawagang pagbitiwin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa puwesto ay pakikinabangan ni Vice President Sara Duterte.
Kasunod nito, sinabi ni Anakbayan National Chairperson Mhing Gomez na hindi umano kailangang mamili ng taumbayan sa pagitan ng mga Marcos at Duterte.