December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Shuvee Etrata, 'grateful and happy' dahil unti-unti nang natutupad mga pangarap

Shuvee Etrata, 'grateful and happy' dahil unti-unti nang natutupad mga pangarap
Photo courtesy: Shuvee Etrata (FB), Fast Talk with Boy Abunda (YT)

Heartwarming ang naging pahayag ng Sparkle artist at ex-Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata na umano’y unti-unti na niyang nakakamit ang kaniyang mga pangarap sa buhay. 

Ayon sa naging Fast Talk ni Shuvee sa prominenteng journalist ata Filipino TV host na si Boy Abunda noong Biyernes, Setyembre 19, 2025, sinabi niyang “grateful at happy” siya sa kasalukuyang mga nangyayari sa kaniyang career bilang shining star sa industriya ng showbiz.

“Masayang-masaya [ako], Tito Boy. Sobrang saya. I’m living the dream now, Tito Boy, so I’m really grateful and happy,” ayon kay Shuvee. 

Pagpapatuloy pa ni Shuvee, natutupad na umano niya ang pangarap niyang makapagpatayo ng bahay at makapagbigay ng pantustos para sa kaniyang pamilya. 

Events

Tuesday Vargas, may paalala sa Pasko: Hindi mandatoryo ang pamimigay ng regalo

“‘Yong pangarap po na makapagpatayo ng bahay para sa pamilya ko and maka-provide sa family ko. Abot-kamay na po siya, Tito Boy,” aniya. 

Kinumusta naman ni Tito Boy ang kalagayan ngayon ng pagpapatayo ng bahay ni Shuvee. 

“Lets talk about the house. Dalawang lugar, di ba, ang pinag-uusapan natin… Are you building houses in those places?” tanong ni Tito Boy. 

Ayon kay Shuvee, ginagawa umano niya ito sa unti-unting proseso at may plano siyang bumili rin ng ari-arian sa Manila ngunit mas prioridad niya sa ngayon ang kaniyang pamilya. 

“It’s for sure a process, Tito Boy. Buying properties, nag-uumpisa po ako somewhere. Alam ko na po ‘yong lupa. Kasi ‘yan po ‘yong mga properties na uunahan ko kasi gusto ko rin bumili ng property dito sa Manila. Pero ‘yong uunahin ko po talaga is ‘yong bahay from my family,” paliwanag ni Shuvee. 

Binalikan naman ni Tito Boy ang pagkakakilala ng publiko kay Shuvee mula sa dati nitong buhay. 

“Kumusta ang relasyon ninyo ng tatay? At least ang naaala ko, parang ang hirap ng iyong pinagdaanan. When you look back ngayon at this point in your life, anong sinasabi mo sa sarili mo?” anang Tito Boy. 

Sagot naman ni Shuvee, “[w]orth it lahat ng sakripisyo, Tito Boy[...] I was always faithful and hopeful po for a better future. Sobrang ganda po kasi ng transition ko, ‘yong hirap nando’n, pero kasi it’s part of life. You know, struggling, working, it’s all part of it.” 

Samantala, naibahagi rin ni Shuvee sa panayam niya kay Tito Boy na nabigla umano siya sa dami ng blessings na dumating sa buhay niya matapos ang PBB: Celebrity Collab Edition.

Mc Vincent Mirabuna/Balita