January 07, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

Shuvee, bet maging leading man sa pelikula si Alden Richards

Shuvee, bet maging leading man sa pelikula si Alden Richards
Photo courtesy: Shuvee Etrata (IG), Alden Richards (IG)

Ibinahagi ni  Sparkle artist at ex-Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee na gusto niyang makasama sa trabaho ang Pambansang Bae at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards. 

Ayon sa naging panayam ni Shuvee sa Fast Talk kay Tito Boy Abunda noong Biyernes, Setyembre 19, 2025, nabanggit niyang may dalawang pelikula at isang teleseryeng tinatrabaho ngayon. 

“I have two movies now and one teleserye po with the one and only, Dingdong Dantes,” pag-iispluk ni Shuvee. 

Inintriga naman ni Tito Boy si Shuvee kung sino umano sakali ang gusto niyang makatrabaho at maging leading man sa isang pelikula. 

Pelikula

‘The legacy continues:’ 'Home Along Da Riles' magbabalik ngayong 2026!

“Aside from this job, the one you with Dingdong Dantes, halimbawa lamang kung pipili ka ng isa pang leading man, sino ang pipiliin mo?” pagtatanong ni Tito Boy. 

Tinukoy naman ni Shuvee si Alden Richards.

Aniya, matagal na umano siyang fan ni Alden at nakasubaybay na siya sa career ng aktor noon pa man. 

“Sana si kuya Alden[...] Kasi I always look up to him, Tito Boy. no’ng growing up, alam mo ‘yong nangyari sa career niya. I was a fan and I've heard a lot of good stories about kuya Alden,” ayon kay Shuvee. 

Samantala, nauna nang sabihin ni Shuvee sa panayam niya kay Tito Boy na grateful at happy raw siya sa mga natatanggap niyang blessings ngayon. 

KAUGNAY NA BALITA: Shuvee Etrata, 'grateful and happy' dahil unti-unti nang natutupad mga pangarap

“Masayang-masaya [ako], Tito Boy. Sobrang saya. I’m living the dream now, Tito Boy, so I’m really grateful and happy,” ayon kay Shuvee. 

Natutupad na umano niya ang pangarap niyang makapagpatayo ng bahay at makapagbigay ng pantustos para sa kaniyang pamilya.

Mc Vincent Mirabuna/Balita