Inihayag ni Senador Imee Marcos ang kaniyang saloobin kaugnay sa tatlong kilos-protestang ikakasa sa Setyembre 21.
Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Sabado, Setyembre 20, isa-isa niyang sinabi ang pananaw niya sa mga rally na gaganapin sa Luneta, EDSA Shrine, at Camp Aguinaldo.
“Luneta, sa palagay ko, karambola 'yan. Sari-sari ang agenda diyan. Mahirap yata. EDSA Shrine, naku. Maliwanag naman kung sino-sino ang nariyan. 'Di ako welcome,” saad ni Sen. Imee.
Dagdag pa niya, “Ito, Camp Aguinaldo. Mas maigi diyan na lang magkumpuni kasama ng mga dating sundalo.”
Matatandaang nagsimulang planuhin ang mga kilos-protestang ito matapos pumutok ang anomalya sa likod ng flood control projects.
Ayon kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan, ghost projects umano ang ilan sa flood control na ipinagkaloob sa Wawao Builders, Inc sa Bulacan.
Maki-Balita: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!