Ipinag-utos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pansamantalang restriksyon ng mga sasakyang panghimpapawid dahil sa ikakasang kilos-protesta korupsiyon sa Linggo, Setyembre 21.
Sa inilabas na pahayag ng CAAP nitong Sabado, Setyembre 20, ipagbabawal ang mga aircraft at unmanned aerial vehicles (UAVs) sa Luneta at EDSA Shrine mula 6:00 a.m. ng Setyembre 21 hanggang 6:00 a.m. ng Setyembre 22.
“All aircraft and unmanned aerial vehicles (UAVs) are prohibited from flying within a 15-nautical mile radius of the center of these locations, from the surface up to 10,000 feet,” dugtong pa ng CAAP.
Samantala, higit 50,000 pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na pagdadausahan ng protesta habang nakaantabay naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tumulong sa traffice management.
Maki-Balita: PNP, magde-deploy ng higit 50,000 pulis sa mga rally sa Setyembre 21
Maki-Balita: MMDA, magbibigay-asiste para sa traffic management sa mga kilos-protesta