January 25, 2026

Home BALITA

'Sa halagang P50!' Ebak ng tao, for sale para sa mga rally?

'Sa halagang P50!' Ebak ng tao, for sale para sa mga rally?
Photo courtesy: contributed photo

Isang screenshot ang ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap hinggil sa ikakasang mga kilos-protesta.

Sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Setyembre 19, 2025, isang chat ang ibinahagi ni Yap kung saan may tila nagkakabentahan na raw ng tae sa halagang ₱50 para sa rally.

“Direk alam mo ba dito sa amin sa bangkusay pwede ka magbenta ng tao basta isupot mo, kailangan daw sa rally bumibili ng tae halagang 50peso,” anang mensahe sa screenshot.

Saad naman ni Yap sa caption, “Nagkakabentahan na raw ng tae. T*ang*n*ng buhay ‘to.”

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

Matatandaang sa Linggo, Setyembre 21, inaasahang magsasabay-sabay ang iba’t ibang kilos-protesta laban sa korapsyon at maanomalyang flood control projects.

Kaugnay nito, nauna nang ipinanawagan ng pulisya ang isang mapayapang demonstrasyon bilang pawang mga taxpayers din umano sila.

“Just like everyone else, every member of your Philippine National Police is a taxpayer too. We too want answers, we too seek for truth, and we too call for accountability,” ani acting Police chief Melencio Nartatez, Jr.

Dagdag pa niya, “Hindi kalaban ang inyong kapulisan, subalit meron kaming responsibilidad na dapat gampanan—at ito ang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. Magtulungan at magrespetuhan po tayo.”

KAUGNAY NA BALITA: 'PNP is a taxpayer too!' Nartatez, nanawagang 'magrespetuhan' sa Sept. 21