December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Rufa Mae Quinto, nilinaw dahilan ng pagkamatay ng mister

Rufa Mae Quinto, nilinaw dahilan ng pagkamatay ng mister
Photo Courtesy: Rufa Mae Quinto (YT, IG)

Nagbigay ng paglilinaw si Kapuso comedy sexy star Rufa Mae Quinto kaugnay sa pagpanaw ng mister niyang si Trevor Magallanes noong Hulyo.

Sa latest episode ng vlog ni Rufa kamakailan, seryoso siyang humarap sa publiko para sabihing “sudden death” umano ang nangyari kay Trevor.

“Sudden death po ang nangyari. Wala pong suicide of foul play na nangyari sa asawa ko. Bata pa siya pero gano’n talaga siguro, ‘di ba,” saad ni Rufa.

Dagdag pa niya, “Hindi ko rin masasagot ang tanong. Kasi tanong ko rin ‘yon, e. Bakit? Ba’t ngayon? Ba’t ang agap pa; ang bata pa?”

Tsika at Intriga

Bianca dadalhin sa langit si Will, si Dustin naman sa impiyerno

Ito umano ang dahilan kung bakit madalas siyang makikitang tumatawa-tawa pa rin sa kabila ng lahat. 

“Gusto ko ring maging masaya para ‘yong energy din, makuha ng anak ko. Kasi ako na lang ‘yong inaasahan niya…kaya kung makikita niya ako na walang katapusang 24 hours na umiiyak, e, umiiyak na rin siya,” anang komedyante.

Matatandaang ikinagulantang ng publiko ang biglang pagpanaw ni Trevor noong Hulyo. Noong nakaraang taon lang ay inanunsiyo pa niya ang pag-aasikaso ng divorce nila ni Rufa sa pamamagitan ng Instagram story.

Maki-Balita: Mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes, sumakabilang-buhay

KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Rufa Mae Quinto, inaasikaso na ang kanilang divorce