December 16, 2025

Home SHOWBIZ

Rica Peralejo sa mga trolls: 'Ninanakawan tayo 'di lang ng kita kundi ng katotohanan'

Rica Peralejo sa mga trolls: 'Ninanakawan tayo 'di lang ng kita kundi ng katotohanan'
Photo Courtesy: Rica Peralejo (FB), via Reddit

Binanatan din ng aktres na si Rica Peralejo ang mga trolls sa gitna ng maugong na isyu ng korupsiyon sa Pilipinas dahil sa palpak na flood control projects. 

Sa Thread post ni Rica noong Biyernes, Setyembre 19, tinawag niya ring magnanakaw ang mga trolls.

“Alam nyo sino pang magnanakaw? Mga trolls. Yung mga walang kunsensyang tumatanggap ng pera para gumawa ng gulo, protektahan ang mga may mga tinatago, nagspread ng fake news, at sinsiraan yung mga tapat na tao na laban sa mga nagbabayad sa kanila,” saad ni Rica.

Dagdag pa niya, “Ninanakawan tayo di lang ng kita kung hindi ng katotohanan.”

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang masakit pa dito, baka nga tax din natin ang nagpapasweldo sa kanila."

"well said! wrong information results to bad decisions. the trolls are responsible for mind conditioning that is costing us the future of PH"

“True! Wala din kaluluwa mga yan! Troll farm! Binabayaran ng mga buwis din natin! Sana for once magmahal nman sa bayan at pumanig sa katotohanan!”

"Agree! May they have change of hearts! May we all united as nation. Masarap maging Pilipino! Let’s be all Filipinos! Mahalin natin ang Pilipinas! "

"Dibaaa??? Ang kakapal?!  "

"Totoo. Sobrang consistent at sobrang tagal na nila. I wonder kung may konsensiya pa sila or nagdadalawang-isip sila, lalo na sa nangyayari ngayon. "

Matatandaang ang orihinal na kahulugan ng troll ay tumutukoy sa higante o duwende na bahagi kuwentong-bayan ng mga taga-Scandinavia. 

Ngunit sa kasalukuyan, nagkaroon na ng bagong kahulugan ang nasabing salita. Iniuugnay na ito bilang paraan ng interaksyon upang galitin o palabasing masama ang isang tao.