December 14, 2025

Home BALITA Metro

PBBM sa mga estudyanteng commuter ng MRT, LRT: 'Wala na kayong excuse ma-late'

PBBM sa mga estudyanteng commuter ng MRT, LRT: 'Wala na kayong excuse ma-late'
Photo Courtesy: RTVM (FB), John Louie Abrina/MB

Pabirong humirit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ilunsad ang student beep cards sa LRT-2 Legarda Station nitong Sabado, Setyembre 20.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na mawawalan na umano ng dahilan ang mga estudyante na maging late sa klase.

"Tinutukso ko nga 'yong mga estudyante rito. Wala na kayong excuse maging late. 'Sir, kasi ang dami [at] ang haba ng pila do'n sa LRT.'  Wala na 'yong excuse na 'yon,” saad ni Marcos, Jr.

Dagdag pa niya, “But, anyway, we’re very happy to be able to do this. Dahil together with the discounts, well, actually it’s free for the PWD and for the senior citizens, isinunod na natin ‘to for the students.”

Metro

Unang araw ng ‘12 Days of Christmas: Libreng Sakay,’ simula na!

Sa pamamagitan ng student beep cards, awtomatiko nang makakakuha ng 50% discount ang mga estudyanteng mananakay ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3. 

Tugon ito ng pangulo para gawing mas abot-kaya pamasahe ng mga estudyante at mapabilis ang kanilang biyahe.

Matatandaang Hunyo 2025 nang itaas ng DOTr sa 50% ang discount sa pamasahe ng mga estudyante sa tren.

Maki-Balita: ALAMIN: Paano makakakuha ng personalised beep card ang mga estudyante?