Kinondena ng human rights alliance na Karapatan ang subpoenang inilabas umano ng Pasig City Prosecutor’s Office laban sa isa nilang miyembro kauganay ng nangyaring pambabato ng putik sa kasagsagan ng kilos-protesta sa St. Gerrard Construction firm na pagmamay-ari ng mga Discaya noong Setyembre 4, 2025.
Ayon sa pahayag ng Karapatan na kanilang isinapubliko noong Biyernes, Setyembre 19, kinilala nila ang environmentalist at miyembro nilang nabigyan ng subpoena na si Jolina Castro.
“Human rights alliance Karapatan denounces the subpoena issued by the Pasig City Prosecutor’s Office against environmental activist and Karapatan national council member Jonila Castro, in connection with the September 4 protest action at the Discaya compound to denounce corruption and anomalous flood control projects,” anang Karapaan.
Saad pa ng grupo, noong Setyembre 15 daw nang makatanggap si Castro ng subpoena bunsod umano ng paglabag niya sa Batas Pambansa 880 or the “Public Assembly Act of 1985.”
Depensa naman ng grupo, “Karapatan stressed that BP 880 is a Marcosian law designed to restrict people’s right to protest — a law that has long been opposed and called for scrapping by human rights defenders.”
Tinawag ding malisyoso ng secretary general ng Karapatan na si Atty. Maria Sol Taule ang nasabing reklamong isinasampa laban kay Castro.
“This case is absurd and malicious. The September 4 protest action did not destroy lives or property — it was a symbolic act of defiance against corruption and anomalous flood control projects that have gravely impacted communities,” ani Taule.
Dagdag pa ni Taule, “This subpoena is nothing more than an attempt to criminalize protest and shield the real plunderers from scrutiny.”
Matatandaang nauna nang iginiit ng abogado ng mga Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III, na magsasampa ang mga ito ng kaukulang criminal case laban sa mga raliyista na namato ng putik at nag-vandalize sa compound ng mga Discaya.
"Fa-file-lan po namin yung organizer ng criminal case," saad ni Samaniego.
KAUGNAY NA BALITA: 'Pumalag!' Mga Discaya, kakasuhan organizer ng kilos-protestang sumugod sa St. Gerrard