December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Pagboses sa mga isyu, responsibilidad ng mga artista sey ni Bianca Gonzalez

Pagboses sa mga isyu, responsibilidad ng mga artista sey ni Bianca Gonzalez
Photo Courtesy: Bianca Gonzalez (FB)

Pinuri ni Kapamilya host Bianca Gonzalez ang mga kapuwa niya artista na ginagamit ang boses para sa ikabubuti ng publiko.

Sa X post ni Bianca nitong Sabado, Setyembre 20, sinabi niyang responsibilidad umano ng sinomang biniyayaan ng platform na gamitin ito para sa mga adbokasiyang isinusulong.

“Yes to artists using their voice for public good Kapag biniyayaan ang kahit sino man sa atin ng following/platform, it is our responsibility to also use it to advocate for causes and issues we believe in,” saad ni Bianca.

Kalakip ng post ni Bianca ang art cards mula sa mga news media outlet na iniulat ang pagboses nina Vice Ganda, Sarah Geronimo, at Anne Curstis sa talamak na korupsiyon sa gobyerno.

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Maki-Balita: Vice Ganda, makikiisa sa kilos-protesta sa Luneta sa Setyembre 21

Maki-Balita: Sarah Geronimo, umalma sa panloloko sa bansa: 'Tama na!’

Umani tuloy ng samu’t saring reakisyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"The 3 Biggest Viva Artists. Power!!!"

"Dun lang ako sainyo nina Vice and Anne. I know Vice supported Duterte at first but when she saw how evil he is, she spoke up na against his regime and has been consistently supporting the opposition. The newests voice, I have reservations."

"Use your platforms to speak: gumawa ng batas one term limit sa mga congressman at walang kick back sa mga projects, bawal insertions sa mga budget  ng kaban ng bayan.. siguradong mapupunta sa tama ang tax na binabayad niyo.."

"Do take care sa mga pupunta. Hindi lahat ng makakatabi ay kakampi against corruption. Yung mismong mga salot sa lipunan ay nagpapanggap na ayaw kunwari sa corruption at nanghihimok sa rally. Alam nila maraming dadalo kaya nakikiride. Nakakagigil sa pagkakapalmuks."

"QUEENS!!! "

"Pero miss BIANCA sana nuon pa HINDE PARIN AKO BILIB sa kanya! Yon lang po madam! Pero nirerespeto ko po kayo."

Matatandaang isa rin si Bianca sa mga aktibong nagsasalita sa isyu ng korupisyon simula nang pumutok ang anomalya sa likod ng flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: 'Sana sa efficient public transport napupunta bilyong buwis kaysa sa ghost flood control projects!'—Bianca Gonzalez-Balita