December 13, 2025

Home BALITA

'Not a political spectacle but a moral stand!' CBCP, nagbabala sa mga mananamantala sa Sept. 21

'Not a political spectacle but a moral stand!' CBCP, nagbabala sa mga mananamantala sa Sept. 21
Photo courtesy: via Manila Bulletin

May paalala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) laban sa mga umano’y mananamantala sa isasagawang Trillion Peso March sa EDSA Shrine sa Linggo, Setyembre 21, 2025.

Ayon sa CBCP, ang mariin nilang idiniin na hindi raw para sa pamomolitika ang nasabing pagtitipon laban sa korapsyon.

“This gathering is not a political spectacle, but a moral stand. It is a moment of prayer, solidarity, and action against the entrenched culture of corruption that robs our people of dignity, deepens poverty, betrays our future,” saad ng CBCP.

Giit pa ng CBCP, ang layunin daw ng isasagawang pagtitipon ay hindi upang i-destabilize ang gobyerno kundi upang mas pagtibayin pa raw ang demokrasya.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“We must resist opportunists who exploit our outrage for selfish gain, while reminding our leaders that accountability must be pursued… Our purpose is not to destabilize, but to strengthen our democracy,” anang CBCP.

Nakiusap din ang CBCP na huwag tugunan ng dahas ang lumalalang isyu ng korapsyon na siyang pangunahing bitbit ng mga demonstrasyon sa Setyembre 21 bunsod ng maanomalyang flood control projects. 

“Let us not meet corruption with apathy or violence, but with faith, courage, and unity. Let us raise our voices in prayer, in conscience and in peaceful action,” anila.

Samantala, kaugnay sa panawagang mapayapang kilos-protesta, nauna nang hiniling ni acting PNP Chief Melencio Nartatez, Jr., ang pagrespeto umano sa isa’t isa, partikular sa hanay ng kapulisan na pawang mga taxpayers din daw ngunit kailangang gawin ang kanilang responsibilidad sa kaayusan sa Setyembre 21.

“Just like everyone else, every member of your Philippine National Police is a taxpayer too. We too want answers, we too seek for truth, and we too call for accountability,” ani Nartatez. 

Dagdag pa niya, “Hindi kalaban ang inyong kapulisan, subalit meron kaming responsibilidad na dapat gampanan—at ito ang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. Magtulungan at magrespetuhan po tayo.”

KAUGNAY NA BALITA: 'PNP is a taxpayer too!' Nartatez, nanawagang 'magrespetuhan' sa Sept. 21