Ibinahagi ng dating senate president na si Sen. Chiz Escudero ang mga larawan ng pagdalo sa kasal ng anak ng kapwa senador na si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa, noong Biyernes, Setyembre 19.
Sa Facebook post ni Escudero, makikitang kasama rin sa mga senador na imbitado sa nabanggit na kasal ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sen. Robin Padilla, Sen, Mark Villar, at Sen. Imee Marcos.
Batay sa post ni Chiz, isa siya sa mga tumayong ninong sa nabanggit na kasal.
"Congratulations to the newlyweds Rock and Maricar Dela Rosa! Isang karangalan ang tumayong ninong sa inyong kasal at masaksihan ang inyong pag-iisang dibdib," anang Chiz.
"Si Rock, anak ni Senador Bato at Nancy Dela Rosa, ay ngayo’y katuwang na ni Maricar na mula sa aking lalawigan. Sa pamamagitan ng kanilang unyon, buong puso nating tinatanggap ang pamilya Dela Rosa bilang bahagi ng mas malaking pamilya ng Sorsogon."
"Mabuhay ang bagong kasal!" aniya.
Makikita naman sa isa sa mga larawan na ang kapartner ni Chiz ay si Sen. Imee.
Hindi naman naiwasan ng ibang netizens na hanapin ang misis ni Chiz na si Kapuso star Heart Evangelista.
Ilang netizens naman ang tila "dinogshow" ang larawan at sinabing tila nag-iba raw ang awra ni Heart na tumutukoy nga kay Sen. Imee.
"Parang ang bilis nagkaedad ni Heart"
"Para sa akin lang ha , hindi bagay na kulay kay Heart ang purple"
"Anyare kay Heart?"
"ako lang ba nakapansin hindi bagay kay heart ganyang hairstyle"
"For me lang, hindi bagay ni heart ang lavender."
Pero on a serious note, marami rin naman ang pumuri sa taglay na ganda ni Sen. Imee na para bang malayo raw sa tunay niyang edad.
"Ganda ni Madam Sen Senator Imee R. Marcos."
"Ganda ng dress!"
"Parang 50's lng senador Imee"
"Ke gwapa naman ni Imee."
"Ganda ni Sen. Imee parang di tumatanda."
"Singganda naman ni Heart si Sen. Imee, gandang proxy"
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Sen. Imee tungkol dito.