December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jodi Sta. Maria, kinondena umano'y planong pagkatay sa mga baka para sa kilos-protesta

Jodi Sta. Maria, kinondena umano'y planong pagkatay sa mga baka para sa kilos-protesta

Mariing ipinahayag ng Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria ang kaniyang pagpalag at pagtutol laban sa umano'y balak na pagpatay sa mga baka bilang bahagi ng isang kilos-protesta na nakatakdang gawin sa Setyembre 21.

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Jodi ang opisyal na pahayag ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na nanawagan sa mga organizer ng protesta na huwag ituloy ang planong gawing sentro ng demonstrasyon ang pagkitil ng buhay ng mga hayop.

Ayon sa PETA, "Animals, including these cows, have no political stance — they simply want to live. Cows are gentle animals who love their babies and cry out in fear when their lives are taken. Turning their suffering into a public spectacle is cruelty, plain and simple. Taking their lives for a political stunt is shameful, and we beg those involved to reconsider. Choosing compassion instead of cruelty would show the world the progressive country the Philippines truly is and give the entire nation something to be proud of. The Philippines has a chance to reject violence against animals and embrace compassion instead."

Kalakip ng post ang isang panawagan na "STOP THE KILLING OF COWS ON SEPT. 21."

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Mapapansin namang sa ibaba, nakabilog ang "100 cattle to be slaughtered for prayer rally."

Hindi naman tinukoy ni Jodi sa post, o maging mismong sa art card, kung may kinalaman ba ito sa nakatakdang mga rally kontra korapsyon sa Linggo, Setyembre 21, at kung aplikable ba ito sa Pilipinas.

Maging ang mga kapwa artista at celebrity, kinondena rin ang nabanggit na post kagaya na lamang nina Iza Calzado, Bela Padilla, at Rita Avila na nag-iwan pa ng tanong.

"Eh ano naman ang gagawin sa mga mananaCOWS?" anang aktres.

Sagot naman ni Jodi, "Ano ang nararapat na kaparusahan sa palagay mo Ms A?"

"aku eh umamin muna sila dahil may batas naman para sa kanila. kung ayaw mag-aminan… eh di magtuturuan sila, magkakainitan, maglalaban-laban. matira matibay. ang matira, gagawing tapa," sagot naman ng batikang aktres.