December 14, 2025

Home SHOWBIZ

'Gusto ko pang mabuhay!' Ate Gay, lumalaban sa malubhang sakit

'Gusto ko pang mabuhay!' Ate Gay, lumalaban sa malubhang sakit
Photo courtesy: Ate Gay (IG), Eric Nicolas (FB)

Ibinahagi ng komedyante at TV host na si Allan K sa isang event ang mga nais ipabatid ni Ate Gay sa publiko kaugnay sa malubhang sakit na nilalaban niya ngayon.

Ayon sa videong inupload ng komedyante at aktor ni Eric Nicolas sa kaniyang Facebook nitong Sabado, Setyembre 20, 2025, makikita doon sina Allan, Eric, Jose Manalo, Sugar Mercado at si Ate Gay o Gil Morales sa totoo niyang pangalan.

Maririnig sa video ang sinabi ni Allan na matagal na umano nilang gustong magsagawa ng isang benefit show para kay Ate Gay ngunit ayaw umanong pumayag ng huli sa kadahilanang baka makaistorbo umano siya sa mga tao.

“Noon pa man, gusto ko nang magpa-benefit show, siya lang ang ayaw. Ayaw niyang makaistorbo ng tao. Ayaw niyang nanghihingi sa tao, ganyan si Ate Gay, matibay siya, matatag yan. Nag-iisa sa buhay pero lumalaban,” pagbabahagi ni Allan.

'Sobra-sobra ang tulong!' PA ni Jinkee, itinangging 'di sinuportahan ni Manny si Eman

Nilahad ni Allan sa mga tagapanood ng nasabing benefit show ang sinabi umano sa kaniyang sakit ni Ate Gay nang sila ay magkausap sa text message.

“Ito ‘yong sakit niya, mild pallid tumor[...] mucoepidermoid cancer versus squamous cell carcinoma. So, inisip ko, ano kaya ‘to? Ano kaya itong sakit na ito? Tanong ako nang tanong, wala naman akong mapagtanungan,” ayon kay Allan.

Pagkukuwento pa ni Allan, nagtanong umano sa kaniya si Ate Gay kung mayroon umano siyang kakilalang dalubhasang doktor na maaaring mag-opera sa kaniya.

“Hanggang sa nag-text siya ulit. Baka may kilala kang magaling na dalubhasa na puwede akong operahan kasi sabi daw ng doktor, incurable na[...] pa-sponsor naman ako, AK,” saad na Allan.

“Gusto ko pang mabuhay,” naging emosyonal na si Allan sa pagbabasa ng dati nilang pag-uusap ni Ate Gay sa text message at bumaba na siya sa stage.

Naiwang nakaupo sa stage si Ate Gay na emosyonal na rin sa pa lang simula ng video at ilang mga komedyante kasama sa benefit show.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikisimpatya at panalangin ang netizens sa balita naisapubliko tungkol kay Ate Gay.

Anila, gagaling din umano si Ate Gay sa tulong ng maraming sumusuporta sa kaniya at ng Diyos.

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang video ni Eric:

“Magpagaling ka po ate gay.”

“Kuya Eric Nicolas bka lang po makatulong. Sya po ung doctor ni ate Bhel at sya rin ang nag opera sa anak ni Saab Magalona. Si Doc Gerardo Gap Legaspi po, Director ng PGH.”

“Praying for you Ate Gay Morales ...We Love you.”

“Pagaling ka ate gay. Laban lang po.”

“Mahal ntin yan si ate gay ang buti ng puso nyan .. walang msamang tinapay yang taong yan.”

“"People cannot escape death, but they can escape the fear of it". Kasama mo ang Diyos kahit saan Ate Gay.”

“Nag aantay ako ng punchline at umaasa na sana joke lang ang tagpong ito, pero ng malaman mong totoo sobrang hirap tangapin. Lalo aq nalungkot ng sambitin ni Allan K na “gusto ko pang mabuhay”.”

“Ate gay gagaling ka walang imposible kay Lord.”

Samantala, wala namang ibinahaging pahayag si Ate Gay sa simula hanggang sa matapos ang video ni Eric.

Mc Vincent Mirabuna/Balita