Itinaas na ng PAGASA sa tropical cyclone wind signal no. 1 ang ilang lugar sa Northern Luzon at Bicol Region dahil sa epekto ng bagyong Nando.
Base sa 5:00 PM weather bulletin ng PAGASA, patuloy na lumalakas ang bagyo habang ito ay kumikilos pa-Hilagang Kanluran sa Philippine Sea sa bilis na 10 kilometers per hour.
Namataan ang sentro o mata ng bagyo sa 770 kilometro Silangan ng Echague, Isabela, na may lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugsong 170 140 kilometers per hour.
Nahihigop din ng bagyo ang southwest monsoon o habagat, na magdadala ng pag-ulan at malakas na hangin.
Dahil dito, itinaas na ng weather bureau sa signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Batanes
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Northeastern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Ambaguio, Bayombong, Bambang, Dupax del Norte)
Apayao
Kalinga
Abra
Mountain Province
Ifugao
Ilocos Norte
Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, San Vicente, San Ildefonso, Santo Domingo, Bantay, Santa Catalina, City of Vigan, Santa, Caoayan)
Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
Northern at central portions ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, San Miguel, Baras)
Dagdag pa ng PAGASA, posibleng itaas sa signal no. 5 ang ilang lugar sa Luzon sa oras na maging super typhoon ang bagyong Nando sa Lunes ng umaga.
Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng umaga.