December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Charo Santos sa pagpasok niya sa digital space: 'I had my self-doubts'

Charo Santos sa pagpasok niya sa digital space: 'I had my self-doubts'
Photo Courtesy: KC After Hours (YT), Charo Santos (IG)

Naglahad ng saloobin ang batikang aktres at dating ABS-CBN President na si Charo Santos kaugnay sa pagtawid niya sa digital space mula sa traditional media.

Sa latest episode ng “KC After Hours” nitong Sabado, Setyembre 20, sinabi ni Charo na mayroon daw siyang naramdamang self-doubt sa bagong mundong pinasok niya.

“I discovered that in the digital space, what your audience is looking for is authenticity. [...] I had my self-doubts,” saad ni Charo.

“I was like, not sure how the public will accept me because for so many years, I think, my audience put me in a certain box,” wika niya.

Sey mo Derek? Mag-ex na sina Ellen at John Lloyd, nagkita ulit

Dagdag pa ng batikang aktres, “They’ve seen me as a media executive, the host of ‘Maalala Mo Kaya.’ They don’t really know the person behind those labels.”

Matatandaang sinakyan ni Charo noong Abril ang trend noong Abril  na “Dance like VG” kasama ang apo niyang si Talia.

“Whatcha think [Vice Ganda] “ saad ni Charo sa caption ng kaniyang IG post.

Pabiro naman siyang sinago ng Unkabogable Star sa comment section, “Labis akong nagagalak na bukas ang iyong puso na matuto ng mga makabagong bagay upang makasabay sa hamon ng panahon. Kahanga hanga ang iyong tapang na subukin ang kakayahan ng iyong beywang at balakang.”

“Gayunpaman ay ikinalulungkot kong sabihin na di ka pumasa sa hamon ng sayaw na iyan. Kaya naman gusto kitang imbitahan sa aking tanggapan upang personal na makausap,” dugtong pa ni Vice.