December 14, 2025

Home BALITA

Budol na naman? Vic Rodriguez, dudang maibabalik ₱60B ng PhilHealth sa nat'l treasury

Budol na naman? Vic Rodriguez, dudang maibabalik ₱60B ng PhilHealth sa nat'l treasury
Photo Courtesy: Vic Rodriguez (FB), via MB

Naghayag ng reaksiyon ang abogado at dating executive secretary na si Vic Rodriguez kaugnay sa balitang ipinababalik ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Sa latest Facebook post ni Rodriguez nitong Sabado, Setyembre 20, tinawag niyang budol ang hakbang na ito ng Pangulo.

“Dahil ramdam ang galit at hagupit ng Pilipino, isang budol na tugon ang muling ipinalabas ni Marcos,” saad ni Rodriguez. “Paano niya ibabalik ang ₱60B ng PhilHealth gayong wala naman savings na pagkukunan, katunayan ay deficit pa nga ang gobyerno?” 

“Kailangan sagutin kung bakit kinuha at saan ginamit ang ₱60 bilyon at paano ‘yong naunang ₱29.9 bilyon na kinuha bago makapag-isyu ng TRO ang Korte Suprema?” pagpapatuloy niya.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Dagdag pa ng abogado, “Kung sa 2026 budget naman kukunin, papayag ba ang mga tiwaling mambabatas na tapyasan ang kanilang pondo? Paano naman ang ₱ budget ng PhilHealth na ibinigay at busong pusong pinirmahan ni Marcos ngayon taong 2025?”

Samantala, pinuri naman ni Akbayan Rep. Chel Diokno ang tugong ito ng Pangulo na ibalik ₱60 bilyong excess funds sa ahensya ng PhilHealth.

Ani ni Diokno, “[w]e laud the President for heeding our call to return Philhealth's P60 billion excess funds to the agency. We ask the Department of Health to guarantee that these funds will be used to expand PhilHealth’s programs in providing affordable, accessible, and quality healthcare to all Filipinos, as mandated by law.”

Maki-Balita: Chel Diokno, pinuri si PBBM sa pagbabalik ng excess funds ng PhilHealth

Matatandaang nitong Sabado, Setyembre 20, inanunsyo ni Marcos, Jr. na magmumula ang pondong 60 bilyong piso na ibabalik nila sa PhilHealth sa ilang departamento kagaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

KAUGNAY NA BALITA: ₱60B excess funds ng PhilHealth, ipinababalik na ni PBBM