December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

'Bayad-katawan?' Lalaking humirit maka-iskor sa dalagitang may utang sa kaniya, nasakote!

'Bayad-katawan?' Lalaking humirit maka-iskor sa dalagitang may utang sa kaniya, nasakote!
Photo courtesy: Pexels

Natimbog ng pulisya ang isang lalaking naghihintay umano ng kaniyang biktimang 17-anyos na dalagita sa isang inn sa Mangaldan, Pangasinan. 

Ayon sa mga ulat, puwersahang hinihingi ng suspek na makipagtalik sa kaniya ang biktimang dalagita bilang kabayaran daw nito sa utang na ₱1,500.

Lumalabas sa imbestigasyon na nanghingi ng tulong ang dalagita sa mga pulisya matapos siyang himukin ng suspek noong Setyembre 17, 2025 na sumama na lang daw sa hotel at saka sila magtalik matapos mag-shabu.

“Noong September 17 inengganyo niya (suspek) ang victim, magbabayad ng utang ang victim. Sasama sa hotel [at] katawan na lang niya ang ibabayad niya. Sinabi pa ng suspek na magsa-shabu sila sa loob at magtatalik,” ayon kay Mangaldan Police Chief Police Lieutenant Colonel Perlito Tuayo sa panayam sa kaniya ng media.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Samantala, mariin namang itinanggi ng suspek ang mga paratang sa kaniya at iginiit na naniningil lang umano siya sa dalagita.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na mahaharap sa patong-patong na reklamo.