Umani ng reaksiyon at komento sa netizens ang ibinahaging Instagram post ng award-winning broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas hinggil sa panayam niya kay Sen. Rodante Marcoleta.
Ibinahagi ni Korina sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, Setyembre 19, ang larawan nila ng bagong senador.
"Bumped into Man of the Hour Senator Rodante Marcoleta. ABANGAN ang mga revelations nya. EXCLUSIVE," mababasa sa caption.
Hindi naman binanggit ni Korina kung saang programa niya mapapanood ang nabanggit na panayam.
Agad naman itong umani ng batikos mula sa mga netizen lalo na't isa si Marcoleta sa mga sinasabing tumutol sa franchise renewal ng ABS-CBN noong 2020.
Si Korina ay matagal na nagtrabaho sa Kapamilya Network bago nag-resign sa kasagsagan din ng pandemya.
Saad ng isang basher, "Bakit pa po yan binibigyan ng airtime? Napaka biased ng taong yan.. Senator ng mga Duterte. And hindi ko pa din nakakalimutan na isa siya sa dahilan bakit na shutdown ang abs cbn. Kainis!"
Sagot naman ni Korina, "Relax… Lahat dapat pakinggan."
"I’m not going to watch the drama from this man. Not worth my time," banat naman ng isa.
"Youll be surprised what he has to say," sagot naman ni Koring.
"ayaw sya interbyuhin ng kahit sinong big stations, never sya na interview ng like abs, gma, anc eetc kasi may issue sya na pina shutdown nya abs? i mean si korina lang ang bukod tanging may lakas ng loob interviewhin sya. that took courage," puri naman ng isa.
Tugon naman ni Korina, " Equal time for all."
Iba pang banat ng mga netizen:
"The man who led the closing of abs where you were an employee. Wont support, wont watch. Bring better content worth watching."
"Itanong mo sa kanya kung masaya sya dun sa mga nawalan ng trabaho sa @abscbn noon at na naging sanhi ngayon na nalalapit pagkawala at pagdemolish ng Abscbn old building at transmitter tower! Hindi kami nakakalimot sa tao na yan!!"
"Obviously ay dahil to sa net25."
"there are better people that deserve a platform"
"Nakakatakot na ang mga tao noh d way mag isip at sa sobrang talino nila mag isip at magpahayag kaya bilyun bilyon ang katakot takot na korupsyon hahahaha sunod niyan trillion na ....minsan di natin nakikita saan nagsimula ang lahat ng tao kasi mahilig tayo manisi isipin nyo kundi dahil sa simpleng boto natin di mga yan maloloklok pero dahil sa sagrado boto at winawalang hiya natin at pinambili sa twing elejsyo."
Samantala, bukod sa Instagram, ibinahagi rin ni Korina sa kaniyang TikTok post ang tanong niya kay Marcoleta kung "Safe na ba talaga si Jinggoy."
"Palagay ko ang pinaka-safe na sagot diyan, ay abangan ang susunod na kabanata," tugon ng senador.
KAUGNAY NA BALITA: 'Safe na ba talaga si Jinggoy?' tanong ni Korina kay Sen. Marcoleta