December 13, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Saan matatagpuan ang libreng sakay ng Manibela papuntang kilos-protesta?

ALAMIN: Saan matatagpuan ang libreng sakay ng Manibela papuntang kilos-protesta?
Photo Courtesy: Manibela (FB), Santi San Juan/MB

Naglunsad ng libreng sakay ang Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) bilang pakikiisa sa kilos-protesta na ikakasa sa Setyembre 21.

Sa isang Facebook post ng Manibela kamakailan nitong Biyernes, Setyembre 19, inilatag nila ang mga detalye tungkol sa kanilang libreng sakay papunta sa dalawang kilos-protesta na gaganapin sa Luneta at EDSA sa parehong araw.

Ayon sa grupo, matutukoy ang kanilang jeep na nagbibigay ng libreng sakay sa pamamagitan ng placard na nakapaskil sa windshield kung saan nakasulat ang “Libreng Sakay.”

Magsisimulang maghakot ng pasahero ang mga jeep patungong Luneta mula 6:30 a.m. hanggang 9:00 a.m. Narito ang listahan ng pick up points papunta sa nasabing lugar. 

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

QUEZON CITY

SM Fairview/Robinsons Novaliches

Shell Villaflor Novaliches

Ayala Malls Balintawak (Along A. Bonifacio Ave)

Commonwealth Ave. Litex

Commonwealth Ave. Philcoa

Welcome Rotonda

Munoz Market

LRT-2 Araneta-Cubao Station

VALENZUELA CITY

Valenzuela City People’s Park

SM City Valenzuela

MARIKINA CITY

Ayala Malls Feliz

Marikina Bayan Sports Complex (Palengke)

City of Manila

Blumentritt Palengke

Juan Luna St., Divisoria

Punta Tulay

7-11 San Andres Bukid

MUNTINLUPA CITY

Alabang Starmall

Alabang Barangay Hall

SAN JUAN CITY

San Juan-Divisoria Jeepney Terminal

CALOOCAN

LRT-1 Monumento Station

Sto. Niño De Bagong Silang Parish Church

LAS PIÑAS

Along Zapote Road

PASAY CITY

Pinagbarilan, Malibay

PARAÑAQUE CITY

Jollibee Mia Road (sa harap ng LRT-1 MIA Road Station)

SM Bicutan

SM Sucat

NAVOTAS CITY

Old C-4 Bus Terminal Complex

PASIG CITY

Pasig Palengke

Rosario Jeepney Terminal

Samantala, ito naman ang pick up points para sa mga nasa labas ng Metro Manila. Nakatakdang umalis ang jeep pagpatak ng 4 a.m.

Carmona Terminal

Biñan Terminal

Gen. Mariano Alvarez Terminal

SM City Dasmariñas

Zapote Road, Bacoor

Sta. Rosa Balibago Terminal

Puregold Cabuyao

Calamba Terminal

Angono Jeepney Terminal

Taytay Jeepney Terminal

Binangonan Jeepney Terminal

Kapitolyo, Antipolo City

Pagkatapos ng protesta sa Luneta, mag-aalok pa rin ng libreng sakay ang Manibela para naman sa mga dadalo sa EDSA pagpatak ng 11:00 a.m. hanggang 2 p.m. 

Bago pa man ang malawakang kilos-protesta sa Setyembre 21, nauna nang nag-organisa ang Manibela ng tatlong araw na transport strike laban sa talamak na korupsiyon sa pamahalaan.