December 15, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Mga dapat asahan at programang ikakasa sa ‘Trillion Peso March’

ALAMIN: Mga dapat asahan at programang ikakasa sa ‘Trillion Peso March’
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Kasado na ang programang ilalatag para sa inaasahang kilos-protestang dadaluhan ng tinatayang 30,000 katao sa EDSA Shrine patungong People Power Monument na tatawaging “Trillion Peso March sa Linggo, Setyembre 21, 2025.

Ayon sa Akbayan Partylist, nakatakdang magsimula ang programa sa People Power Monument kung saan dadaluhan ito ng ilang partylist group at iba pang mga sektor kagaya ng Akbayan Party, Tindig Pilipinas, ML Partylist, Nagkaisa Labor Coalition, Kalipunan, Youth Against Kurakot (YAK), Akbayan Youth at Student Council Alliance of the Philippines (SCAP).

Sa ganap na 9:00 ng umaga, inaasahang magsisimula ang programa sa People Power Monument na pangungunahan ng Simbahan at Komunidad laban sa Katiwalian. 

Nakatakda namang magsagawa ng misa sa EDSA Shrine sa ganap na 12:00 ng tanghali na dadaluhan naman ng ilang indibidwal mula sa Catholic schools. Makikiisa rin ang De La Salle University (Greenhills) kasama ang mga estudyante nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Mga legasiya ni ‘FPJ’ sa industriya ng pelikula

Matapos ang misa, tutungo ang martsa sa People Power Monument mula EDSA Shrine sa ganap na 1:00 hanggang 1:30 ng hapon kung saan nakatakdang magtagpo ang mga raliyista na nasa People Power Monument na mula sa unang programa.

Sa ganap na 2:00 naman ng hapon, nakatakdang magsimula ang main event sa harapan ng People Power Monument upang opisyal na buksan ang programa ng Trillion Peso March.

Ayon pa sa Akbayan Partylist, kabilang sa highlights ng nasabing event ang cultural performances, church reflections at speech ng kabataan.

Habang sa ganap na 5:00 naman ng hapon ang nakatakdang dispersal ng naturang demonstrasyon.

Kaugnay nito, matatandang nauna nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) laban sa mga mananamantala umano ng kilos-protesta upang isabay ang lihim umanong political agenda.

“We must resist opportunists who exploit our outrage for selfish gain, while reminding our leaders that accountability must be pursued… Our purpose is not to destabilize, but to strengthen our democracy,” anang CBCP.

KAUGNAY NA BALITA: 'Not a political spectacle but a moral stand!' CBCP, nagbabala sa mga mananamantala sa Sept. 21