December 13, 2025

Home BALITA

‘Wala nang Solid North!’ Chavit Singson, binengga mga Marcos

‘Wala nang Solid North!’ Chavit Singson, binengga mga Marcos
Photo courtesy: Contributed photo

Pinatutsadahan ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang mga Marcos at umano’y tuluyang pagkawala raw ng “Solid North.”

 Sa isang press conference nitong Biyernes, Setyembre 19, 2025, tahasang iginiit ni Singson na wala na raw ang Solid North o ang solidong suporta ng mga taga-Norte sa pamilya Marcos.

“Wala nang Solid North dahil nakikita nilang, ilang dekada na silang Presidente?” ani Singson.

Binakbakan din niya ang tila hindi na raw pag-usad ng Ilocos Norte, na baluwarte ng Marcos, kumpara sa Ilocos Sur na teritoryo naman ni Singson.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Bakit ang Ilocos Sur, from the poorest to the 5th riches in the country? Bakit ang Ilocos Norte nasa ilalim pa rin,” saad ni Singson.

Hirit pa niya, “Ang tao matatalino, kahit na bayaran mo, hindi ka na nila iboboto.”

Matatandaang noong Hulyo 2025 nang birahin din ni Singson si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at iginiit na tila nagka-alzheimer’s na raw ito.

“Pero after election, may Alzheimer’s na si Bongbong, hindi na ako kilala. [...] Ito na siguro ang last na pag-support namin sa mga Marcoses dahil hindi na kami kilala,” saad ni Chavit.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, hiyang-hiya kay Chavit Singson

Sa kasalukuyan, dalawang Marcos ang naghahawak sa una at ikalawang distrito ng Ilocos Norte. Ito ay sina Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos, anak ni Pangulong Marcos, at Ilocos Norte 2nd district Rep. Angelo Marcos Barba—anak ng bunsong kapatid ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Habang pawang mga Marcos din ang may hawak sa gubernatorial seats na sina Gov. Cecilia Araneta Marcos na asawa ni dating Ilocos Norte Gov. Mariano Marcos II na pamangkin ni dating Pangulong Marcos Sr., habang ang anak naman ni Sen. Imee Marcos ang kasalukuyang Bise Gobernador ng nasabing lalawigan na si Matthew Manotoc.