January 07, 2026

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, makikiisa sa kilos-protesta sa Luneta sa Setyembre 21

Vice Ganda, makikiisa sa kilos-protesta sa Luneta sa Setyembre 21
Photo courtesy: Vice Ganda (IG)


Inaasahan ang pagdalo ni Unkabogable star Vice Ganda sa gaganaping kilos-protesta sa Luneta sa darating na Linggo, Setyembre 21.

Ito'y matapos niyang himukin ang mga Pilipino na dumalo sa nasabing kilos-protesta, na tutuligsa sa umano’y malawakang korapsyon sa bansa.

“Magkita-kita tayo sa Luneta sa Linggo. Oras na para wakasan ang kagarapalan ng mga hayup na magnanakaw sa gobyerno,” ani Vice sa kaniyang Instagram (IG) story nitong Biyernes, Setyembre 19.


Makikita rin sa ilang IG story ng TV host-Actor ang ilang pasaring na may kinalaman sa umano’y nagaganap na malawakang korapsyon sa gobyerno, partikular na sa isyu ng maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Corrupt government leads to the poverty of a nation,” saad ng isang pubmat na ibinahagi ng komedyante.

“Corruption everywhere. The greatest priority of any government must be to fight corruption,” nakasaad sa hiwalay na story.

Matatandaang, madalas ding nagbibigay ng mga pasaring at komento si Vice Ganda hinggil sa umano’y malawakang korapsyon sa Pilipinas.

KAUGNAY NA BALITA: 'Ang korapsyon ay hindi lamang pagnanakaw ng salapi kundi pagnanakaw rin ng buhay'—Vice Ganda-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA