Bumoses ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa gitna ng laganap na isyu ng korupsiyon sa gobyerno.
Sa isang Facebook post ni Tuesday noong Huwebes, Setyembre 18, makikita ang larawan niyang may hawak na placard na nakalagay ang panawagang: “Lahat ng sangkot, dapat managot!”
Samantala, sa isang hiwalay ng post nitong Biyernes, Setyembre 19, hinikayat niya ang mga kapuwa artista na gamitin ang boses para lumikha ng pagbabago.
Aniya, “Sa mga artistang tahimik ngayon at hindi ginagamit ang boses dahil natatakot, ang masasabi ko lang ay bago kayo maging artista kayo at Pilipino muna. LAHAT TAYO APEKTADO.”
“Para ito sa mga taong naka pwesto na walang pakundangan mag waldas ng dugot pawis namin.
Panagutin, ikulong, isauli ang pera ng bayan Managot ang lahat ng MAGNANAKAW,” dugtong pa ni Tuesday.
Nakatakdang dumalo si Tuesday sa kilos-protestang ikakasa sa EDSA People Power Monument sa darating na Setyembre 21.