December 13, 2025

Home BALITA National

Singson sa pag-iimbestiga ng ICI sa flood control projects: 'Unahin ninyo muna ang Ilocos Norte'

Singson sa pag-iimbestiga ng ICI sa flood control projects: 'Unahin ninyo muna ang Ilocos Norte'
photo courtesy: Chavit Singson/FB live, Bongbong Marcos/FB

Iginiit ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na dapat unahing imbestigahan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) ang mga flood control project sa Ilocos Norte, kung saan ang mga Discaya umano ang kontraktor ng mga ito.

Sa isang press conference nitong Biyernes, Setyembre 19 sa San Juan City, sinabi ni Singson na huwag na raw lumayo at unahing imbestigahan ang mga flood control project sa Ilocos Norte. 

"Ang mga kontraktor nila sa Ilocos Norte mga Discaya rin eh. Paano tayo maniniwala ngayon sa pinagsasabi nilang mga iniimbestiga. Ang mga kontraktor nila maraming kompanya," anang dating gobernador.

Dito ay iniisa-isa ni Singson ang mga kontractor sa Ilocos Norte na pawang mga kompanya ng mga Discaya, na kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado at Kamara.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ang mga kompanyang nabanggit niya ay St. Matthew General Contractor and Development Corporation (P962 milyon), St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation (P608 bilyon), Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation at St. Timothy Construction Corporation.

"Apat ito sa Ilocos Norte, paanong hindi nila alam ito eh probinsya niya ito? Paano tayo maniniwala ngayon kay Presidente [Bongbong Marcos]?" ani Singson. "[...] Para lang i-guide sila [ICI] unahin n'yo po ang Ilocos Norte muna, huwag na tayong lumayo."

Dagdag pa niya, "As far as flood control is concern at buong Pilipinas, sinong naka-korner ‘yong mga Discaya silang mga kontraktor nila. Imbestigahan ninyo muna ‘yon nandoon lahat ng kalokohan."

"Kung aantayin natin ang Senado, tatagal pa 'yan. Diretsuhin na lang 'to." 

Matatandaang itinatag ni Pangulong Marcos Jr. ang ICI upang mag-imbestiga sa umano'y korapsyon, iregularidad, at maging paggamit ng pondo sa flood control projects at iba pang proyekto ng gobyerno. 

Sa kasalukuyan, patuloy na gumugulong ang imbestigasyon ng Senado at Kamara kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa. 

Nito lang Setyembre 18, nang ipa-contempt ng Senado si Curlee Discaya matapos ang hindi niya tugmang pagdadahilan sa hindi pagsipot ng kaniyang misis sa nasabing flood control probe.

Maki-Balita: Curlee Discaya, Henry Alcantara, idedetine sa kustodiya ng Senado