December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Sarah Geronimo, umalma sa panloloko sa bansa: 'Tama na!’

Sarah Geronimo, umalma sa panloloko sa bansa: 'Tama na!’
Photo Courtesy: Screenshot from One Sports (YT)

Ginamit na ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang boses niya para isatinig ang kaniyang sentimyento hinggil sa nangyayari sa Pilipinas.

Sa ginanap na opening ceremony ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa University of Santo Tomas (UST) nitong Biyernes, Setyembre 19, panandaliang napatigil si Sarah habang itinatanghal niya ang kantang “Ikot-Ikot.”

“Parang panloloko sa bansa natin, pinaiikot-ikot lang tayo. Tama na,” saad niya sabay muling birit sa chorus ng nasabing awit.

Matapos maitanghal ang “Ikot-ikot,” nagbigay ng mensahe si Sarah para ipaalala sa mga kabataan ang papel ng mga ito sa bansa.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Aniya, “Kayo ang pag-asa ng ating bansa, ng ating bayan. One day, kayo ang magbabago ng bulok na sistema ng bansang ito.”

Matatandaang maging ang mister niyang si Matteo Guidicelli ay pasimple ring bumoses sa talamak na korupsiyon sa gobyerno sa pamamagitan ng social media post noong Agosto.

“Real change begins with transparency, accountability, and integrity,” anang aktor.

Maki-Balita: Matteo, binakbakan matapos manawagang isiwalat ang katiwalian

Nagsimula ang lahat ng ito matapos pumutok ang anomalya sa likod ng flood control projects.

Maki-Balita: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!