December 13, 2025

Home BALITA

PNP, nanawagan sa mga raliyista na makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa ikakasang protesta

PNP, nanawagan sa mga raliyista na makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa ikakasang protesta
Photo Courtesy: Manila Police District

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga raliyista na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa ikakasang kilos-protesta laban sa korupsiyon.

Sa pahayag ni Acting Chief PNP Jose Melencio C. Nartatez, Jr nitong Biyernes, Setyembre 19, sinabi niyang ginagawa umano nila ito upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Ayon sa kaniya, “This is a proactive measure to safeguard the right to peaceful assembly while preventing any attempt to disrupt public order. Our priority is the safety of everyone—protesters, bystanders, and the community at large.”

“We call on rally organizers and participants to coordinate closely with local authorities and observe lawful conduct. The PNP stands ready, together with the AFP and partner agencies, to protect both freedom of expression and the peace of our communities,” dugtong pa niya.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Matatandaang nauna nang sinabi ng PNP na magpapakalat sila ng 50,000 pulis sa gagawing kilo-protesta sa EDSA at Luneta na inaasahang dadaluhan ng libo-libong tao mula sa iba’t ibang sektor.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing full alert ang buong pwersa ng kapulisan bilang paghahanda sa naturang pagkilos.

Maki-Balita: PNP, magde-deploy ng higit 50,000 pulis sa mga rally sa Setyembre 21