Maging si singer-songwriter Ogie Alcasid ay naghayag ng kaniyang pakikiisa sa kilos-protesta laban sa korupsiyon na gaganapin sa EDSA.
Sa panayam ng media kay Ogie nitong Biyernes, Setyembre 19, kinumpirma niya ang kaniyang pagdalosa naturang pagkilos sa Setyembre 21.
Aniya, “[O]n Sunday, I will be there in EDSA with my sister maybe. Basta I will be there. Fifty-eight na ako. This is more than anything else. This is all about us na, e.”
"Kaya ‘yong nakikita ko na walang pink, walang [dilaw], totoo ‘yon, e. Lahat na tayo ito. This has no political color,” dugtong pa ni Ogie.
Kasunod nito, inihayag ng singer-songwriter ang kaniyang galit at frustration sa nangyayaring korupsiyon sa bansa.
“It’s very frustrating. Nakakalungkot, nakakagalit to say the least. Pero hindi puwedeng puro galit lang,” saad ni Ogie.
Kaya naman hinimok niya ang mga Pilipino na magpakita ng pakikiisa para sa ikakasang kilos-protesta.
Ayon sa kaniya, “Makiisa, kasi mayro’n tayong mapupulot doon. May magsasalita doon na may punto ito.”
Bukod kay Ogie, nakatakda ring pumunta sa isa pang kilos-protesta ang “It’s Showtime” co-host niyang si Vice Ganda. Nakatakda itong ganapin sa Luneta sa pareho ring araw.
Maki-Balita: Vice Ganda, makikiisa sa kilos-protesta sa Luneta sa Setyembre 21