December 14, 2025

Home SPORTS

Immigration officers na naki-selfie kay Alex Eala, pinutakti ng netizens!

Immigration officers na naki-selfie kay Alex Eala, pinutakti ng netizens!
Photo courtesy: Contributed photo

Kinuyog ng netizens ang larawan at video ng immigration officers na nagpa-picture kay Filipina tennis player Alex Eala, sa gitna umano ng trabaho. 

Mapapanood sa nasabing video ang paglipat ng ilang immigration officers kay Eala bagama't hindi tukoy kung ito ay nasa oras ng kanilang trabaho.

Giit tuloy ng netizens, tila bigla raw naging mababait ang mga immigration officer kapag sikat ang kaharap.

"Kababait ng immigration ah, pag ordinaryong Pilipino lahat nakasimangot."

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

"Dapat ipagbawal din mga ganiyan eh."

"Nag-fan gurling sa oras ng duty? Lols government employees pa 'yan sila."

"Papicture tas sa susunod i-offload na nila Hahahaha"

"Ang babait ng mga potek!"

"Alex, 'wag kang masyadong dumikit, baka malaglagan ka ng bala HAHAHA"

"Alex yung bagahe at yearbook mo!"

"Siguro kumpleto naman sa travel documents at yearbook si Alex HAHAHA"

"Sana lagi na lang may sikat para mababait yang mga supladita na 'yan."

 Matatandaang nagbalik bansa si Alex para sa isa umanong maiksing bakasyon, bago siya tuluyan muling lumipad patungo namang China para sa WTA 125 Jingshan Tennis Open sa Setyembre 22 hanggang 28, 2025.