December 18, 2025

Home BALITA

DPWH, nagbabala sa publiko hinggil sa mga nagpapanggap nilang empleyado

DPWH, nagbabala sa publiko hinggil sa mga nagpapanggap nilang empleyado
Photo courtesy: DPWH Facebook

Naglabas ng public advisory ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa mga pangingikil ng mga nagpapanggap umano nilang empleyado.

Batay sa inilbas na advisory ng DPWH nitong Biyernes, Setyembre 19, 2025, maging si Sec. Vince Dizon daw ay nadamay sa nasabing modus.

“Nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko laban sa mga indibidwal na tumatawag at nagpapanggap bilang si Secretary Vince Dizon o iba pang opisyal ng ahensya para sa mga ilegal na layuning makapanloko, humingi ng pera, impormasyon o pabor,” anang ahensya.

Pakiusap pa ng DPWH sa publiko, huwag daw itong patuluan kung sakaling makatanggap ng anumang tawag mula sa kanilang ahensya na may kaugnayan sa pera.

ARTA, iraratsada website para sa reklamo sa mga ahensya ng gobyerno

“Sakaling makatanggap ng kahina-hinalang tawag na may kahilingan o hinihinging pabor, huwag itong patulan,” saad ng DPWH. 

Dagdag pa ng ahensya, “Tumulong pigilan ang ganitong mga scam sa pamamagitan ng pagiging alerto at pagbabahagi ng babalang ito.”

Matatandaang naging sentro na umano ng galit ng publiko ang DPWH matapos pumutok ang isyu ng maanomalyang flood control projects.

Nauna nang iminandato na rin ni Dizon ang hindi pagsusuot ng mga empleyado ng kanilang ahensya ng anumang uniporme.

Ito ay sa kadahilanang nabubully at nahaharass daw ang mga ito dahil nadadamay sa isyu ng korapsyon at anomalya, kaugnay ng mga "ghost" at "substandard" flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: DPWH employees, nabubully, nahaharass kaya 'di muna pinagsusuot ng uniporme

Naghigpit na rin sa media interview ang DPWH hinggil sa pa rin sa uspain ng seguridad sa isyu na kinahaharap ng kanilang ahensya.

"In view of recent developments and concerns, all requests for media interviews and official statements regarding the Department must be directed to the office of the undersigned, unless specific authority has been delegated," anang memorandum ng DPWH. 

KAUGNAY NA BALITA: DPWH Sec. Dizon, naghigpit sa media interviews sa DPWH official