Nag-isyu ng bagong regulasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) patungkol sa transaksyon ng malalaking halaga ng pera upang maiwasan ang banta ng money laundering.
Ibinahagi ng BSP sa kanilang website nitong Biyernes, Setyembre 19, na ang nasabing bagong regulasyon ay nakapaloob sa probisyon ng Circular No. 1218 series of 2025, na inisyu nito lamang Huwebes, Setyembre 18.
“Under Circular No. 1218 series of 2025, issued on 18 September 2025, large value transactions above ₱500,000.00 (or its equivalent in foreign currency) must be conducted through traceable channels such as checks, online fund transfers, direct credit to deposit accounts, or digital payments,” ani BSP.
“The same limit applies to cash transactions in equivalent foreign currencies. The limit may be reached in a single transaction or series of transactions within one banking day,” dagdag pa nito.
Sa mga withdrawal namang lampas sa limit na nakasaad sa regulasyon, mandato ng BSP-Supervised Financial Institutions (BSFIs) ang magsagawa ng enhanced due diligence (EDD), o kaya naman ay mag-report kung may kahina-hinalang transaksyon.
“For withdrawals beyond this limit, BSP-Supervised Financial Institutions (BSFIs) must conduct enhanced due diligence (EDD) and, if warranted, file a suspicious transaction report,” anila.
“After completing EDD, BSFIs may still allow the larger payout if the customer provides additional documents or proof of a legitimate business purpose,” dagdag pa nila.
Pahayag pa ng BSP, ang repormang ito ay naglalayong pagtibayin ang mga hakbangin ng kanilang kagawaran upang masugpo ang mga nakaambang panganib, itaguyod ang tiwala sa kanilang financial system, at siguraduhing may kakayahan ang kanilang institusyon na labanan ang mga bagong uri ng risks pagdating sa pera.
Vincent Gutierrez/BALITA