May kuwelang hirit ang stand-up comedian na si Alex Calleja matapos pumutok ang Balitang hiwalay na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Nitong Huwebes, Setyembre 18, nang kumpirmahin mismo ng Star Magic na hiwalay na ang kanilang artists, batay sa kanilang opisyal na pahayag.
Mababasa sa opisyal na social media page ng talent arm management ng ABS-CBN ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa.
Maki-Balita: Gerald Anderson at Julia Barretto, kumpirmadong hiwalay na!—Star Magic
Hirit naman ni Calleja sa isang Facebook post, "Sabi na wala munang maghihiwalay dahil matatabunan ang issue sa flood control! Tigas ng ulo n'yo Julia at Gerald!"
Umani naman ng mahigit 11,000 reactions, 131 comments, at 804 shares ang naturang post si Calleja, as of writing.
Samantala, patuloy pa ring iiniimbestigahan ng Senado at Kamara ang maanomalyang flood control projects.
Nitong Huwebes din nang maganap ang ikaapat na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe sa naturang isyu.
Kaugnay na Balita: Marcoleta, muling biniro si Jinggoy: ‘Talagang safe ka na!’
Kaugnay na Balita: SP Sotto, kinumpirmang ihaharap si Brice Hernandez sa Independent Commission
Kaugnay na Balita: Sen. Erwin Tulfo, kumulo dugo, magkakasabay sinabon ang ‘BGC Boys’