December 14, 2025

Home BALITA

16 na dating 4Ps beneficiaries, topnotchers sa Social Workers Licensure Examination

16 na dating 4Ps beneficiaries, topnotchers sa Social Workers Licensure Examination
Photo courtesy: 4Ps (FB)


Ipinagmamalaki ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang isa umanong pambihirang tagumpay ng kanilang 16 former beneficiaries matapos pumuwesto bilang topnotchers ng September 2025 Social Workers Licensure Examination kamakailan.

Ibinahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa kanilang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 18, ang kanilang mainit na pagbati sa dating mga benepisyaryo ng kanilang programa.

“Isang mainit na pagbati mula sa Pambansang Pamunuan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa 16 na dating benepisyaro ng programa na pasok sa Top 10 ng 2025 September Social Workers Licensure Examination,” anila.

“Kayo ang buhay na patunay na ang dedikasyon at pagsusumikap ay nagbubunga ng tagumpay. Ang inyong kwento ay nagbibigay-inspirasyon sa libu-libong kabataang Pantawid, na patuloy na nangangarap para sa mas magandang bukas, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para rin sa kanilang pamilya at komunidad,” dagdag pa nila.

Narito ang 16 former beneficiaries ng 4Ps na nakakuha ng puwesto bilang topnotchers ng September 2025 Social Workers Licensure Examination:

Iniabot din ng 4Ps ang kanilang paghanga sa determinasyon ng mga dating benepisyaryo upang makuha ang nasabing karangalan.

“Kahanga-hanga ang inyong talino, sipag, at determinasyon. Mabuhay kayo at ang lahat ng mga bagong lisensyadong Social Workers!”

Noong nakaraang taon, isang dating 4Ps beneficiary din ang nag-Rank 1 sa Social Workers Licensure Examination sa parehong buwan.

MAKI-BALITA: Top 1 ng Sept. 2024 Social Worker Licensure Exam, dating 4Ps beneficiary-Balita

Matatandaang kamakailan ay binati naman ni dating senadora at kasalukuyang Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila De Lima ang mga benepisyaryo ng 4Ps na lumapag bilang topnotchers ng Licensure Examination for Teachers (LET), na siya ring kinikilala umano na may-akda ng 4Ps Law.

KAUGNAY NA BALITA: De Lima, proud sa 4Ps beneficiaries na nag-LET topnotchers-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA