December 17, 2025

Home BALITA National

Unified 911, nakapagtala ng 94.42% porsyentong efficiency sa unang rollout nito

Unified 911, nakapagtala ng 94.42% porsyentong efficiency sa unang rollout nito
Photo courtesy: DILG (FB)

Ibinahagi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakapagtala ng 94.42 porsyentong episyente ang Unified 911 sa unang rollout nito sa bansa. 

Ang talang ito ay kinokonsiderang “major milestone” sa modernisasyon ng emergency response sa bansa, kung saan sinisigurado ang mabilis at maaasahang tulong sa oras ng sakuna. 

Ayon sa DILG, ang Emergency 911 National Call Center ay nakatanggap ng 60, 323 na tawag sa unang rollout pa lamang nito kamakailan, kung saan, 57,786 dito ay matagumpay na nabigyang tugon, at 3,537 ay mga test, abandoned, o prank call. 

Nilinaw ng DILG na ang mataas nitong rating ay hindi dahil sa mababang demand kung hindi dahil sa malaking improvement ng response framework nito, kung saan ang call center ay nagkakaroon ng 61,000 tawag araw-araw. 

National

'Masaganang Pasko!' Lotto ticket na nabili sa Rizal, wagi ng ₱49.1M sa Lotto 6/42!

Dahil dito, ipinakita rin ng ahensya ang speed at accuracy ng bagong sistema sa kanilang emergency responses, kumpara noong 2024 na 48.33 porsyento lamang sa 22.3 milyong tawag ang nabigyang tugon, sa unang kalahati naman ng 2025 ay umakyat ng 70.71 porsyento. 

Ang mga pagtaas ng mga bilang na ito ay nagpapakita rin ng improvement sa system capacity at operational coordination ng bagong sistema. 

Sa kaugnay na balita, nagbabala naman si DILG Sec. Jonvic Remulla sa mga nagsasagawa ng prank calls sa Unified 911. 

"Kapag prank call ka, ma-archive na ang number mo. Last priority.  Kasi kailangan may disincentive yung mga prank callers. So, kung nanloko ka sa amin, di ka na makakatawag," aniya. 

Para rin masigurado na walang makaliligtaang tawag, ang DILG ay nagi-implementa ng verification protocols, lalo na sa mga dropped o mga unclear calls, kabilang dito ang mga follow-up mula sa lokal na pulis o opisyal ng barangay para personal na matignan ang sitwasyon. 

Sean Antonio/BALITA