December 21, 2025

Home BALITA

'This is unacceptable!' Sen. Risa, kinondena DPWH sa kawalan ng masterplan sa flood control projects

'This is unacceptable!' Sen. Risa, kinondena DPWH sa kawalan ng masterplan sa flood control projects
Photo courtesy: Senator Risa Hontiveros (FB)


Kinondena ni Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros ang Department of Public Works and Highways kaugnay sa kawalan umano nito ng kongkretong masterplan hinggil sa maanomalyang flood control projects.

Ibinahagi ni Sen. Risa sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 18, ang kaniyang pagkadismaya ukol sa hindi pagsunod ng kagawaran sa iisang masterplan.

“WALANG SINUSUNOD ang DPWH na iisang MASTERPLAN sa paggawa ng bawat #FloodControlProject sa bansa!” saad ni Hontiveros.

“This is unacceptable!” dagdag pa niya.

Matatandaang kinumpirma ni Public Works Secretary Vince Dizon sa isinagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes, Setyembre 18, ang katotohanan hinggil sa konstruksyon ng flood control projects sa iba’t ibang parte ng bansa.

“Wala po. We are seeing a very very similar pattern in every area that we visit, in every report that we get there is little to zero coordination with the local government province, much less with the regional development councils,” sagot ni Sec. Dizon matapos tanungin ni Sen. Hontiveros kung may sinusunod bang masterplan ang DPWH sa paggawa ng bawat flood control projects sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: Flood control projects, walang sinusunod na 'masterplan'—DPWH Sec. Dizon-Balita

Hindi naman naiwasan ng taumbayan na ihayag ang kani-kanilang pananaw at komento ukol sa nasabing isyu.

“File a bill that will set quality of standard for all public works with penal clauses.”

“Sana po ay may makulong”

“Wala pong masterplan kc walang pong plan na gawin ng tama.”

“Nakakadurog ng puso, Ang daming nag hihirap na Pilipino.. tapos sila nilustay lng nila para s mga pansariling interest”

“The DPWH should integrate all the Regional Development Council projects to produce a master plan. The regional council has their master plan and it should go with the budget proposal.”

“Meron po Plano.... Kung papano nakawin Yung Pera...... Yan Ang klaro....”

Matatandaang isa si Sen. Risa Hontiveros sa mga mambabatas na ngayon ay iniimbestigahan ang mga iregularidad at anomalya ng mga flood control projects sa bansa.

Vincent Gutierrez/BALITA