Inamin ni Cavite 4th District Rep. Kiko “Congressmeow” Barzaga na na-drop out umano siya noong nasa ikatlong taon pa lamang sa kolehiyo.
Sa inilabas na panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz kay Barzaga noong Miyerkules, Setyembre 17, natanong ni Ogie kung anong kurso at saang kolehiyo nagtapos si Barzaga.
“Sa kaalaman ng iba. Saan ba nagtapos ng kolehiyo si Congressman at ano ‘yong kaniyang tinapos?” kuwesitiyon ni Ogie.
Inamin ni Barzaga na hindi siya nakapagtapos dahil na-drop out umano siya sa kolehiyo noon.
“Dropped out. Medyo long story ‘to… Firstly, 2019 ‘yon ‘yong una akong naging konsehal. I was 20 turning 21 [anyos] at the time. I haven’t gone to college yet because before 2018, 2017 I was already preparing myself for politics. 2019 nag-start ako as councilor until 2022,” panimula ni Barzaga.
Nilinaw ni Barzaga na nakapag-enroll umano siya sa De La Salle University - Dasmariñas noong 2022.
“After pandemic, 2022, nag-enroll ako [in] DLSU-D Dasma in Political Science. Then good naman ‘yong grade ko. But there’s like only so much you can do when you’re balancing the life of politics and schoolwork.
“So minsan may mga subjects na nahihirapan ako or medyo bumabagsak ‘yong grades. And then, ang nangyari kasi ay di ba ‘yong mga exams ay usually in December and April. May mga gano’ng times ‘yong nagiging final subs namin and that’s where that majority of the grades are,” paliwanag ni Congressmeow.
Aniya, naging abala umano siya sa buwan ng Disyembre dahilan para hindi niya matutukan ang kaniyang pag-aaral.
“So ang nangyari don’n, December, busy ako [at] hindi ako laging nakakapag-exam since puro christmas party sa distrito namin. And this 2025, hindi ako nakapag-file ng leave of absence. Nag-two months break ako from political science, third year ako no’n. And then I didn’t have enough time to pursue my studies since I was spending everyday campaigning,” saad ni Barzaga.
Ngunit nilinaw naman ni Barzaga kay Ogie na may plano umano siyang lumipat sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas o KLD.
“But now I’m transferring to KLD or public college in Dasma. Kasi gusto ko ring malaman kung paano sila nagtuturo ‘yong mga professors namin do’n [and] to see the system inside as a student there,” paglilinaw ni Barzaga.
Inihayag din niyang may plano siyang magdagdag ng mga kursong may kaugnayan sa veterinary para sa adbokasiya umano niyang pinangako noong eleksyon.
“And I plan on making… on making Veterinary courses, veterinary technicians, veterinary nursing, and hopefully veterinary medicine. Wag n’yong masyadong isipin na well-educated ako. I’m just average,” pagtatapos ni Barzaga.
Samantala, inihayag naman ni Barzaga kay Ogie sa kanilang panayam na naipasa na umano niya sa kongreso ang House Bill na tungkol sa Paru-Paro Festival at nasa proseso pa ang Kapon bill na isang batas na magsusulong ng libreng kapon sa mga alagang hayop.
KAUGNAY NA BALITA: 'He is a good man' Congressmeow, lodi si Mayor Vico Sotto pero hindi si SP Sotto
KAUGNAY NA BALITA: 'I am a product of nepotism!’ Congressmeow, aminadong nepo baby?
Mc Vincent Mirabuna/Balita