December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie kay Sen. Marcoleta: 'Kung gaano ka kagalit sa ABS-CBN...dapat mas galit na galit ka sa Discaya!'

Ogie kay Sen. Marcoleta: 'Kung gaano ka kagalit sa ABS-CBN...dapat mas galit na galit ka sa Discaya!'
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), via MB

Bumweltang muli si showbiz insider Ogie Diaz kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay sa umano’y pagtatakip nito kina Curlee at Sarah Discaya.

Nauna nang banatan ni Ogie ang senador dahil sa iginigiit nitong Witness Protection Program para sa mag-asawang contractor.

Maki-Balita: Ogie Diaz, kinuwestiyon si Sen. Marcoleta matapos igiit pagiging state witness ng mga Discaya

Matatandaang kabilang ang dalawang kompanya ng mga Discaya sa listahan ng top 15 contractor companies na pumaldo sa flood control projects ng gobyerno ayon mismo sa inilabas na datos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Basahin: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?

Kaya sa latest Facebook post ni Ogie nitong Miyerkules, Setyembre 17, binanatang muli niya si Marcoleta at inungkat pa ang isyu ng ABS-CBN shutdown noong 2020.

Aniya, “Senador Marcoleta, dapat kung gaano ka kagalit sa ABS-CBN noon kahit wala namang ninakaw na pera sa kaban ng bayan, dapat, mas galit na galit ka sa mga Discaya.”

“So ang tanong lang na madalas kong mabasa sa mga comment section: nagkabigayan ba?” dugtong pa ni Ogie.

Matatandaang Mayo 2020 nang tuluyang mawalan ng bisa ang 25-taong legislative franchise ng ABS-CBN Corporation matapos mag-no ang 70 kongresista sa pagbibigay ng prangkisa kabilang na si Marcoleta.

Bukod pa rito, binanatan din ang nasabing TV network ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito pagpapalabas ng kaniyang campaign ads noong 2016.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng network at ipinaliwanag na may limitasyon umano ang pagtanggap nila ng local ads.