December 13, 2025

Home BALITA National

Napanaginipan ang winning numbers? Lalaki, wagi ng ₱20.5M sa Mega Lotto!

Napanaginipan ang winning numbers? Lalaki, wagi ng ₱20.5M sa Mega Lotto!
PCSO

Napanaginipan lang daw ng isang lalaking lotto winner mula sa Quezon City ang mga winning number na nagpanalo sa kaniya.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), napanalunan ng lone bettor ang ₱20,523,660.60 jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola noong Agosto 25, 2025. 

Nahulaan niya ang winning numbers na 40-05-16-03-20-27, at nabili ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Barangay Payatas B sa Quezon City.

Sa pagkubra ng premyo, ibinahagi ng lucky winner, na isa ring small business owner,  sa PCSO na napanaginipan niya lang ang mga winning number noong Mayo, at mula raw no'n ay tuloy-tuloy na niya itong tinayaan. 

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

Dagdag pa niya, matagal na raw siyang naniniwala na lehitimo ang lotto dahil nanalo rin daw ang kaniyang kaibigan noon. 

Plano aniya gamitin ang premyo sa kaniyang bagong negosyo at para sa pag-aaral ng kaniyang anak.