Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Surigao del Sur nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 18, ayon sa PHIVOLCS.
Sa impormasyong mula sa ahensya, nangyari ang lindol bandang 11:25 p.m. sa Lingig, Surigao del Sur at may lalim itong 10 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig, dagdag ng PHIVOLCS.
Samantala, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.