December 12, 2025

Home BALITA

'I invoke my right against self incrimination!' Curlee Discaya, 'di sinagot 'size ng paper bag' na lagayan nila ng pera

'I invoke my right against self incrimination!' Curlee Discaya, 'di sinagot 'size ng paper bag' na lagayan nila ng pera
Photo courtesy: Screengrab Senate of the Philipines

Ibinala ni Curlee Discaya ang "right against self incrimination" nang tanungin ni Sen. Risa Hontiveros kung gaano kalaki at kung anong klase ang paper bag na ginagamit nila para magbigay ng pera sa ilang mga opisyal.

Sa ikaapat na sesyon ng Senate Blue Ribbon Committee para sa imbestigasyon ng flood control projects nitong Huwebes, Setyembre 18, 2025, hindi direktang sinagot ni Discaya ang laki ng lalagyan nila ng nasabing mga pera.

“Nilalagay n'yo yung mga perang 'yon, na ibinabayad n'yo sa mga opisyal, sa paper bags, anong klaseng paper bags po 'yon?” ani Hontiveros.

“Your honor ordinary paper bags lang po,” ani Discaya.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Your honor ordinary paper bags lang po,” muling tanong ng senadora. 

“Your honor, I invoke my right against self incrimination,” giit ni Discaya.

Pagpalag naman ni Hontiveros, “Sir, paper bags lang pinag-uusapan natin.”

Bunsod nito, bahagya namang sumagot si Discaya.

“Maliit lang po,” aniya.

“Maliit na ordinary paper bag?” hirit ng senadora.

“Yes po your honor.” 

Paglilinaw pa ni Hontiveros, “Paano po nagkasya don ang malalaking halaga ng pera? Sabi n'yo, 'Malalaking cash.' Paano nagkasya sa maliliit at ordinaryong paper bags?”

“Your honor  I invoke my right against self incrimination muna. Wala pa po akong, witness protection,” muling sagot ni Discaya.

“Okay, for the record Mr. Chair, ngayon lang ako nakarinig ng nag-invoke ng right against self-incrimination sa isyu ng paper bags,” anang senadora.

Bago nito, matatandaang pinatawan ng Senado ng contempt order si Discaya matapos ang hindi niya tugmang pagdadahilan sa hindi pagsipot ng kaniyang misis sa nasabing flood control probe.

Iginiit ni Curlee na hindi raw nakadalo ang misis niyang si Sarah dahil umano sa karamdaman niyang sakit sa puso. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Health issue o may meeting?' Curlee Discaya, ipina-contempt dahil sa maling palusot para sa misis niya

Habang iminungkahi naman ni Sen. Raffy Tulfo na madetine sa Senado si Discaya kasama si dating district engineer Henry Alcantara.

“Mr. Chair, given that Mr. Discaya has been cited in contempt and Mr. Alcantara, I moved that they be detained and handed over to the custody of the Senate Sergeant of Arms,” saad ni Tulfo. 

KAUGNAY NA BALITA: Curlee Discaya, Henry Alcantara, idedetine sa kustodiya ng Senado