December 16, 2025

Home BALITA National

'Hindi uurungan!' DOJ Sec. Remulla, tuloy aplikasyon sa pagka-Ombudsman kahit hinahadlangan

'Hindi uurungan!' DOJ Sec. Remulla, tuloy aplikasyon sa pagka-Ombudsman kahit hinahadlangan
Photo courtesy: Boying Remulla (FB)

Patuloy raw ang aplikasyon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla sa pagiging kandidato sa pagka-Ombudsman, sa kabila ng mga "hadlang" sa kaniya.

Sa panayam kay Remulla kamakailan at batay na rin sa mga ulat, sinabi ng Justice Secretary na "very challenging" ang mga bagong kasong isinampa laban sa kaniya sa Ombudsman subalit tuloy pa rin ang kaniyang aplikasyon sa nabanggit na katungkulan.

Aniya, maganda raw ang hangarin niya kaya kahit hadlangan ang proseso, haharapin niya ito.

"Ganoon talaga. There is no easy thing in this life. Kung may gustong hadlangan ang proseso, dadaanan natin 'yan dahil ang hangarin natin ay makagawa ng mabuti para sa lipunan," aniya sa panayam.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Matatandaang kamakailan lamang, kabilang si Remulla sa mga sinampahan ng kasong kidnapping, arbitrary detention, at iba pang reklamo ni Davao City Acting Mayor Sebastian "Baste" Duterte dahil sa nangyaring pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) noong Marso.

KAUGNAY NA BALITA: Baste Duterte, kinasuhan ng kidnapping sina Remulla, Teodoro, Año, Torre atbp

Bukod dito, nagsampa naman ng motion to inhibit si Sen. Imee Marcos Inisa-isa ni Sen. Imee Marcos hinggil sa mga bagay na kuwestiyonable na nakakaapekto sa paghawak ni Officer in Charge (OIC) Ombudsman Dante Vargas hinggil sa kasong isinampa niya kina Remulla at iba pang matataas na opisyal ng bansa.

Ayon sa dokumentong inihain ni Marcos sa Ombudsman noong Setyembre 12, 2025, inuna nitong iginiit ang beripikado raw na impormasyon hinggil sa pagiging magkaklase umano ng asawa ni Vargas at ni Remulla noon sa UP Law school.

Tila mabilis din umanong inasahan ni Remulla ang magiging pag-dismiss ng Ombudsman sa kanilang kaso dahil nasa tanggapan na umano agad siya ng Ombudsman upang kumuha ng clearance.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee naghain ng urgent motion to inhibit laban kay Vargas, iba pa para sa paglutas ng MR sa kaso ni Remulla

Matatandaang kamakailan lang ng kumalat sa social media ang isa umanong kopya ng desisyon ng Ombudsman na nagbabasura sa kaso nina Remulla na isinampa ni Marcos.