December 13, 2025

Home BALITA

‘Health issue o may meeting?' Curlee Discaya, ipina-contempt dahil sa maling palusot para sa misis niya

‘Health issue o may meeting?' Curlee Discaya, ipina-contempt dahil sa maling palusot para sa misis niya
Photo courtesy: screengrab Senate of the Philippines

Ipina-contempt ng Senado ang isa sa mga government contractor na si Curlee Discaya matapos ang hindi tugma niyang dahilan sa ‘di pagsipot ng misis niyang si Sarah Discaya sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control projects nitong Huwebes, Setyembre 18, 2025.

Sa pagpapatuloy ng naturang pagdinig, iginiit ni Curlee na hindi raw nakadalo ang misis niyang si Sarah dahil umano sa karamdaman niyang sakit sa puso. 

Subalit nang basahin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Lacson ang liham na mismong ipinadala ni Sarah sa Senado, sinabi niyang may company meeting raw siya na naunang na-schedule bago ang itinakdang araw sa pagdinig ng komite.

“I have an important meeting with my employees on the day of the hearing, to explain that company is facing now…This meeting was already scheduled before I received the committee’s investigation this afternoon…,” ani Sarah Discaya sa liham.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Bunsod nito, ilang senador na ang nagtulak na patawan ng contempt si Curlee bunsod umano ng kaniyang pagsisinunangling.

“Mr. Chairman with that letter, nagsisinungaling itong si Mr. Discaya na mayroon daw karamdaman ang kaniyang asawa,” saad ni Sen. Kiko Pangilinan.

“Mr. Chair, nanumpa ito, to tell the truth and dito harap-harapang nagsinungaling ka, binabastos mo kami, niloloko mo kami,” ani Sen. Ewrin Tulfo.

Habang si Sen. Raffy Tulfo naman ang tuluyang nagkasa na ipa-contempt si Curlee, na sinang-ayunan naman ng buong komite.

“I-contempt na Mr. Chair,” ani Sen. Raffy Tulfo.

Matatandaang noong nakaraang pagdinig ng Senado noong Setyembre 8, nauna nang ipina-contempt ng Senado si Department of Public Works and Highways (DPWH) Engineer Brice Hernandez bunsod umano ng pagsisinungaling niya sa mga perang kanilang ipinangka-casino.