Nagsadya sa Department of Justice (DOJ) ang aktres na si Gretchen Barretto para maghain ng counter-affidavit kaugnay sa pagkakasangkot sa kaniya sa mga nawawalang sabungero, na sinasabing itinapon ang mga bangkay sa Taal Lake.
Sa ulat at kuhang video ng GMA Integrated News, kasama ni Gretchen ang kaniyang legal counsel sa paghahain ng counter-affidavit, Huwebes, Setyembre 18, matapos siyang idawit ng sinasabing saksing si "Julie "Dondon" Patidongan, na umano'y kasabwat ng negosyanteng si Atong Ang kaugnay rito.
Nagsimula na ang DOJ sa unang pagdinig kaugnay sa kaso.
Sa tangkang ambush interview sa kaniya ng media, nanatiling tikom ang bibig ni Gretchen, at tanging legal counsel niya ang nagpaliwanag sa media kung bakit sila nasa DOJ nang mga sandaling iyon.
"We are just here to abide by the process, and part of the process that we are committed to follow is the filing of the counter-affidavit," paliwanag ng legal counsel ng aktres.
Nang matanong naman ang aktres kung sa tingin niya ay magiging patas ang imbestigasyon, ang tanging sagot lamang niya ay "I trust."
Sa eksklusibong panayam ni Emil Sumangil ng "24 Oras," noong Hulyo 2, diretsahang binanggit ni Patidongan ang pangalan nina Ang at Barretto na may kinalaman daw sa nabanggit na krimen.
Pagdating naman kay Gretchen, sinabi ni alyas Totoy na 100% daw na may kinalaman ang aktres sa nabanggit na pagkawala ng mga sabungero dahil lagi silang magkasama ni Atong.
"'Yang artista na 'yan, walang iba kundi si Ms. Gretchen Barretto, 100% na may kinalaman siya at gawa na lagi silang magkasama ni Mr. Atong Ang," anang Totoy.
Mensahe pa niya kay La Greta, "Panawagan ko lang sa kaniya, para naman medyo maano siya, makipagtulungan na lang siya sa akin..."
KAUGNAY NA BALITA: 100% may kinalaman daw! Alyas 'Totoy' may mensahe kay Gretchen Barretto
KAUGNAY NA BALITA: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero
ito ang unang beses na nasilayan si Gretchen matapos isangkot sa nabanggit na akusasyon.